MY MORTAL ENEMY

139 7 0
                                    

CHAPTER 8

PHILIP'S POV

Today is Wednesday. Masaya ang umaga ko dahil isang matamis na ngiti ang isinukli sa akin ni Franco nang makita nya ang ibinigay kong coffee for him. Kahit dun lang sa pagkakataon na yun ay okay na ako dahil mahirap hingin ang matamis na ngiti galing sa masungit nyang mukha. Tahimik man sya ay wala akong pakialam dahil gusto kong iparamdam sa kanya na mahal na mahal ko sya. Even though it's hard for me to please him to love me back. Ang nakakatuwa lang ay wala pa akong nababalitaang naging girlfriend nya na mandudurog sa puso ko. Katatapos lang ng lunch namin. Pero di ko pa rin sya nakikita. Always kasing nakikita ko sya dito sa cafeteria na nakatambay pagkatapos nyang kumain. Ni hindi rin sya pumasok sa last subject namin ngayon umaga. Ni hindi nya nasaksihan ang effort kong gawan sya ng assignment. Pero okay lang may next time pa naman. Palabas na ako ngayon sa may cafeteria habang hawak-hawak ang binili kong favorite nyang fruit tea para sa kanya. Kinikilig kasi ako kung sinasabihan ako ng thank habang may matamis na ngiti. Ganun ko sya kamahal, actually 1st college palang kami ay inlove na inlove na ako sa kanya. Palagi akong nagpapapansin pero ngiti at konting thank you at salita lang ang natatanggap ko. Ni wala kaming long conversation. Pero okay lang yun dahil naiindihan ko naman.

Naglakad-lakad ako papasok ng classroom namin. Habang naglalakad ay hinahanap ko si Franco baka nasa tabi lang sya pero unfortunately wala akong nakitang Franco.

Asan kaya sya?

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa nakarating ako sa classroom pero kahit marami na ang mga tao ay hindi ko pa rin sya nakita. Kaya lumabas muna ako para hanapin sya. Sayang naman kasi tong fruit tea na binili ko para sa kanya kung di ko man lang maibigay.

Naglakad-lakad ako hanggang sa masalubong ko si Christian ang drummer ng kanilang banda.

"Hello Christian, pwedeng magtanong sayo?" Bungad kong wika kay Christian.

"Ah, sige. Ano ba yun?" Sabi naman ni Christian.

"Ammm, kasi,---" di na ako nakapagsalita dahil nagsalita sya kaagad.

"Alam ko na, nasa music room sya. Kasama nya ata ang girlfriend nya" sagot ni Christian. Tila kumirot ang puso ko ng sinabi ni Christian na may kasama syang babae, at girlfriend pa nya ito. Nagsimula naman mga mata kong kumurap-kurap dahil may namumuo ng mga luhang babasag dahil sa sakit ng nararamdaman ko. Anong gagawin ko? Didiretso ba ako? O babalik nalang sa classroom? O baka naman umuwi nalang ako at magkulong sa kwarto para doon ko ilabas ang nararamdaman ko.

"Hoy! Hoy! Tulala ka?!" Tanong sa akin ni Christian. Dahil sa pagtatapik sa akin ni Christian ay bumalik ako sa ulirat.

"Ah, hehehe. Hi-hindi naman" pinilit kong ngumiti kahit na nasasaktan ako.

"I think, wag ka lang pumunta dun. Kasi ngayon palang na sinabi ko sayo kung sino kasama nya, ganyan na reaksyon mo, papaano pa kaya kung makita mo sila mismo" sabi sa akin ni Christian. Pinalo ko sya sa kanyang braso.

"Ano ka ba? Hindi no?! Bakit naman ako masasaktan? I'm just his ultimate fan kaya okay lang na makita ko sya with his girlfriend. Magiging masaya ako para sa kanya dahil finally may nalaman na akong girlfriend nya" pagsisinungaling ko sa kanya. Pilit na pilit ang ngiting ibinabahagi ko kay Christian.

"Bahala ka. Basta pinapauna ko na sayo. Masasaktan ka lang sa makikita mo" sabi sa akin ni Christian.

"Ano ka ba Christian! Sabi ko nga sayong di ako masasaktan! Nakakatawa ka" sabi ko at tumawa ako kunwari.

"Sige, kung wala ka ng ibang tanong ay papasok na ako. Malapit na kasi klase ko eh" paalam ni Christian.

"Sige, salamat pala" sabi ko. Naiwan akong mag-isa ngayon sa hallway. Sa pagkakatayo ko rito sa hallway ay masasabi kong nanginginig na ang buong katawan ko at lalo na ang tuhod kong parang nanghihina na. Parang hirap ko ring iakbang ang mga paa ko dahil sa nalaman ko.

MY MORTAL ENEMYWhere stories live. Discover now