MY MORTAL ENEMY

149 6 0
                                    

CHAPTER 7

RED'S POV

Nandito kami ngayon sa mall kaming apat nina Kyle, Blythe and Bench. I can say that this is a double date. Haha! Ganun talaga! Di ko naman kasi kayang ayain si Kyle ng date kasi nahihiya ako. Saka baka di sya pumayag kung date ang sabihin ko sa kanya. Kaya okay na ito.

Pero alam nyo ba napansin ko kay Kyle at kay Bench na sobrang tahimik. Akala mo malalim ang iniisip. Bigla-bigla rin silang magugulat kung kakausapin man sila. Si Kyle, kung titignan ko sya ay bigla nalang sya iiwas ng tingin. Kanina pa sya nung hinalikan ko sya. Kakulit kasi nya! Hirap na hirap na nga akong sagutin ang tanong nya, kinukulit pa ako! Kaya yun hinalikan ko nalang. And that's was my answer to his question. Sa totoo lang kinilig ako nung nahalikan ko ulit sya. Napakasaya ko sa part na hindi nya ako inaway. Ibig sabihin nun ay nagustuhan nya rin. Hay! I'm so happy.

"Bench! Ang ganda nung bear oh!" Nakangiting wika ni Kyle kay Bench.

"Tara puntahan natin!" Sabi naman ni Bench. Makahawak silang tumakbo papunta sa may nagtitinda ng mga teddy bear. Ang cute nila pero syempre mas cute ang Kyle ko. Para silang bata an tumatakbo dahil ang liliit nila, para lang silang grade 7. And the way they speak. Ang cute! Parang bata talaga.

Naiwan kami ni Blythe. Nakatayo lang kami sa pwesto namin at nagtingin pa.

"Ang cute ng Kyle ko no?" Nakangiting wika ko kay Blythe.

"I know, because he's my little brother. Pero cute din naman ng Bench ko". Sabi naman ni Blythe sabay taas ng kanyang kilay.

"Pero napansin mo ba? Parang tahimik ang dalawa. Parang nahihiya sila sa atin?" Tanong ko sa kanya.

"Papano naman kasi mahihiya sayo si Kyle. Nakita ka daw ni Bench na kiniss mo daw sa lips ang bunso namin!" Sagot ni Blythe sa akin.

"Hehehe, syempre" sabi ko sa kanya. "Ano naman dahilan nung Bench bakit parang nahihiya sayo?" Tanong ko sa kanya.

"Um, papahuli ba ako sayo?" Nakangising sagot sa akin ni Blythe kaya nabatukan ko sya. Tumawa kaming dalawa dahil sa ginawa ni Blythe.

"

"Kaya pala! Hahaha! Buddy talaga tayo!" Sabi ko sa kanya.

"Symepre!" Sabi naman ni Blythe. Nag high five kaming dalawa bago kami lumapit sa mga kasama namin.

"Wow! Ang cute naman neto!" Manghang wika ni Kyle sa isang kulay sky blue na teddy bear.

"Kaya nga! Etong pink maganda rin best" sabi naman ni Bench. Nagtinginan naman kami ni Blythe. At sabay naming inagaw ang teddy bear na hawak ng dalawa at idinala namin sa may counter. Nang mabili na namin ang teddy bear ay iniabot namin ito sa aming mga date(date talaga?). YES!

"For me?" Nagtatakang tanong ni Kyle.

"Obvious ba?!" Sabi ko sa kanya.

"Hehehe. Thank you" nakangiting wika sa akin ni Kyle na nagpaligaya sa puso ko.

"Bakit mo ko binigyan neto?" Tanong naman ni Bench.

"Basta para sayo! Wag ng maraming tanong! Diba nga bumabawi ako sayo?!" Iritang sagot ni Blythe.

"Sa tingin mo natutuwa ako sa asta ng pasasalita mo? Pero thank you" sabi naman ni Bench.

"Bench! May rabbit hat dun oh! Yun ata yung gumagalaw! Tara puntahan natin!" Masayang wika ni Kyle. Hinila nya si Bench para puntahan ang sinasabi nilang rabbit hat. Nagsuot sila at may pinindot sila para gumalaw ang tenga ng rabbit. Lumapit kami ni Blythe sa dalawa.

"Ayan! Blythe, please suot mo to!" Pakiusap ni Bench kay Blythe.

"Ayoko nga!" Pagsusungit ni Blythe. Sumimangot naman si Bench.

MY MORTAL ENEMYWhere stories live. Discover now