MY MORTAL ENEMY

69 3 0
                                    

CHAPTER 25

RED'S POV

"Red, san ka pupunta?" Tanong sa akin ni Blythe. Nandito ako ngayon sa sala para magpaalam sa mga kasama ko sa bahay. Wala pa rin si Kyle ngayon sa bahay kaya di na ako makakapagpaalam sa kanya.

"Aalis na ako bro. Magpapakalayo" sagot ko sa kaibigan ko.

"Saan ka naman pupunta?" Tanong sa akin ni Sir.

"Sa New York sir" sagot na ikinagulat ng apat na kapatid ni Kyle.

"New York?!" Gulat na sigaw nilang apat.

"Yes, sa New York" paninigurado ko sa kanila.

"Grabe naman yun Red? Bakit napakalayo?!" Tanong sa akin ni Bryle.

"Kailangan, dahil yun ang kagustuhan ng kapatid nyo" sagot ko.

"Red naman, immature pa ang kapatid namin. First time mainlove, kaya sana pakaintindihin mo nalang sya. Saka, bugho lang ng kanyang masidhing damdamin. Galit sya oo pero lilipas din yun! Hindi mo kailangang lumayo. Ang kailangan nyo lang ay magpahinga, kumalma" mensahe sa akin ni kuya Lloyd.

"Nakapagdesisyon na po ako. Bukas na bukas ay aalis na ako. Kaya ngayon, ay nandito ako sa harapan nyo para magpaalam sa inyo guys. Salamat sa lahat" sabi ko sa kanila.

"Red, sana mapatawad mo ang kapatid namin. Sana maintindihan mo sya" wika naman sa akin ni Sir Luiz.

"Hindi ako galit sa kanya sir. Hinding-hindi. Sya nga pala, pakisabi nalang kay Kyle na paalam" sabi ko. Bago ako nagaimulang maglakad papalabas ng bahay. Paglabas na pagkalabas ko ng bahay ay bumungad sa akin si Kyle. Gulat kaming nakita ang isa't-isa. Tinignan nya rin ang aking maleta na hawak-hawak. Pero dahil naiiyak na naman ako nang makita sya ay naglakad na ako papalayo sa kanya.

"Sandali Red" wika nya kaya napahinto ako sa paglalakad. "San ka pupunta?" Tanong nya sa akin.

"Sa malayo. Yung hinding-hindi mo na ako makikita" sagot ko sa kanya.

"Hay! Specific please!" Irita nitong tanong sa akin.

"You don't need to know. Paalam" huling wika ko sa kanya at nagpatuloy ako sa paglalakad papuntang kotse ko. Nang makasakay ako ay tuluyan na ako sa bahay nila Kyle.

---

KYLE'S POV

"Hi, my loving kuya!" Masigla kong bati sa mga kuya ko. I just want to be happy. Gusto ko kasing kalimutan na ang mga nangyari nung biryernes. Nagsuffer ako ng dalawang araw kaya hindi ko na hahayaan ang sarili kong umiyak mulit. Kahit na sa totoo lang ay sariwa pa rin ng sugat ng aking puso. But i don't want my emotions lose me. I need to be strong! Hay! Tutal ay aalis naman na si Red. Kaya makakamove on na ako. Honestly, medyo nalungkot ako kaninang malaman kong aalis na dito si Red sa bahay. May something sa puso ko na gusto ko syang pigilan! Pero nananaig parin ang dinidikta ng aking isip.

"Wow?! Masaya ang bunso namin ha!?" Parang nagbibirong wika ni kuya Bryle sa akin.

"Kuya, syempre, nakamove on na ako. Tapos na akong umiyak kaya heto ako ngayon, masaya" sagot ko kay kuya Bryle.

"So sa tingin mo maloloko mo kami sa masigla mong pagbati sa amin st sa pangiti-ngiti mo?" Nakangising sabi naman ni kuya Lloyd sa akin kaya tumabi ako sa kanya sa pagkakaupo at inakbayan ko sya.

"Kuya, okay na nga ako" nakangiti ko pa ring sagot sa kanya.

"Kung mapapalusutan mo kami ng pinaggagawa mo sa amin. Pwes yang mga mata mo ang nagsasabi sa aming hindi ka pa okay" seryosong wika sa akin ni kuya kaya napatigil ako. Grabe naman kasi sila makapag observe ss akin. Oo na! Hindi pa ako okay! Pero kailangan kong maging okay!

MY MORTAL ENEMYWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu