#5 BINALEWALA

132 2 0
                                    

                 BINALEWALA

Sampung letra , isang salita pero bakit ganon ang sakit kapag naranasan mo na?

Ang sakit na binalewala ka niya dahil may iba na siya.

Ang sakit kasi ipinaglaban kita pero mas pinili mo yung iba.

Minahal kita , nag effort ako sayo pero siya pa rin ang lamang sa aming dalawa.

Yung mga bagay na ang tagal kong pinangarap mawawala na lang ng parang bula.

Wala ehh mahal kita kaya gagawin ko ang lahat upang maging masaya ka.

Kung siya ang kasiyahan mo sige pinapalaya na kita.

Pinapalaya ka na ng taong minahal ka higit pa sa sarili niya.

Pinapayagan na kitang maging masaya sa piling niya.

Masakit pero basta't para sa kasiyahan mo kakayanin ko.

Kasi sabi nila kapag mahal mo yung isang tao papalayain mo kahit masakit para sayo.

Hahayaan mo siyang hanapin yung kasiyahan niya na di niya nahanap sayo.

Binalewala mo ko dahil may iba nang bubuo sa mundo mo.

Matapos kong ibigay ang lahat sa iyo

Tapos ganito lang ang igaganti mo?

Di ako galit, pero sana maaga pa lang sinabi mo

Para di na ko nag aksaya ng oras sayo.

Hindi naman pala ako kasama sa mga plano mo

At kailanman ay hindi ako naging parte ng buhay mo,

Bakit hinayaan mo pang mahulog ako sayo?

Sana sa pagkakataong ito,

Ingatan at pahalagahan mo yung nagmamahal sayo.

Suwerte mo dahil merong SILA na handang umintindi sayo.

Spoken poetryWhere stories live. Discover now