#12 KAYA KO - PADAYON

153 1 0
                                    

     KAYA KO - PADAYON

Sa magandang kalangitan ako'y nakatanaw.
Pinagmamasdan mga ulap na gumagalaw.
Nakatitig sa mga ibong nagliliparan
Na tila ba'y walang problemang pasan-pasan.

Sa bawat araw na dumadaan
Nakakapagod ng lumaban
'Di na magawa maski pahirin ang pawis sa katawan.
Pagod na kong maiwan,pagod na kong iwanan.

Sa pamamalagi ko sa mundong ito
Puro sigawan at bulyawan ang maririnig mo.
Mga utos nila'y kailangan mong sundin.
Mga yapak nila'y kailangan mong sundan.

Isang gabi ako'y nanaginip
Isang nagniningning na ginoo ang nagpakita sa akin.
Mga luha ko'y kanyang pinahiran
Ako'y kanyang mahigpit na hinagkan.

Ang bulong niya sa akin,
"Anak ako'y laging nakasulyap at nakatingin.
Alam kong pagod ka na, lagi akong nandito para sayo.
Tandaan mo Anak na kaya mo at kakayanin mo."

Spoken poetryWhere stories live. Discover now