#16 NATAGPUAN

61 1 0
                                    

NATAGPUAN

Isang araw, pagmulat ng aking mga mata
Ang lahat ay tuluyang nagbago na.
Masyadong mabilis ang mga pangyayari
'Di ko na pala kilala ang aking sarili.

Sa nararanasan nating pagbabago.
'Di ako nakaligtas sa hamon ng mundo.
Natatakot ako sa mga nangyayari sa paligid ko.
Dumating ako sa puntong di ko na alam ang gagawin ko.

May mga araw na iniisip ko
Kung bakit natin nararanasan ito.
Marami ng nangyari at nagbago,
Di na tulad ng dating nakasanayan ko.

Sa loob ng halos dalawang taon
Na pananatili sa parang isang malaking kahon (kwarto)
Ako'y dinapuan ng depresyon
Di ko alam kung ano ang solusyon.

Para kong nasa isang malalim na balon
Na hindi alam kung paano makakaahon
Buti na lang at nakilala ko ang Panginoon
Na tinuruan ako kung paano muling bumangon

Kaya naman gusto ko itong pasalamatan.
Hindi ko man siya makita ng personalan.
Siya naman ay aking nararamdaman
Salamat dahil hindi niya ko pinapabayaan.

Sa bawat araw na lumilipas
Salita mo ang aking naging lakas
Alam kong ikaw ang simula at wakas
Kaya sayo ko na Panginoon ipapa ubaya ang araw ng bukas.

******************************
To everyone figthing their silent battles and carrying a heavy hearts, you are brave. Always trust God and pray. Every pain has a purpose. Patuloy tayong lalaban✨

Spoken poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon