#1 KAIBIGAN

643 11 1
                                    

KAIBIGAN

Ito yung taong handang pasayahin ka.

Yung taong san ka man magpunta ay sasamahan ka

Kahit ang kapalit ay sermon pag-uwi nila.

Ito yung taong handang mapahiya

Upang mapasaya ka.
Yung mga taong handang batukan ka

Upang ika'y matauhan na.
Ito yung mga taong dapat iniingatan

Dahil pwedeng mawala ng biglaan

Parang kasintahan

Na pwedeng maagaw ng kalaban

Pero kailangan mong ipaglaban.

Hindi masamang magkaroon ng bagong kaibigan

Basta't ang nauna'y huwag mong kalimutan

Pero bakit humantong sa di pagpapansinan?

Anong nangyari oh aking kaibigan?

Paano na ang ating pinagsamahan

Tuluyan mo na bang kakalimutan?

Hindi ka na ba namin mapipigilan

Kami ba'y tuluyan mong iiwanan?

Salamat sa ating mga pinagsamahan.

Sana masaya ka na sa Bagong Kaibigan.

******************************

Pavote naman po thank you😚

Spoken poetryWhere stories live. Discover now