#21 A FAMILY LOVED BY GOD

64 2 0
                                    

A family loved by God

Oh Kay sarap pagmasdan ng isang pamilya.
Hindi man perpekto pero buo at sama-sama.
Hindi makaka dugo pero lahat ay nagkakaisa.
Pamilya ang turingan kahit tayo'y magkakaiba.

Pamilyang nabuo hindi dahil ginusto
Kundi dahil Diyos ang may gawa nito.
Hindi ka naparito dahil napilit ka ng taong nakapaligid sayo,
Naparito ka dahil Diyos ang nagdala sayo rito.

Sa maraming taon nating magkakasama
Maraming problema ang dumating
At tila sinusubok ang pananampalataya natin
Ngunit tayo'y mananatili pa rin .

Ang pundasyon natin ay sa batuhan nakatayo.
Patuloy na lalaban at hindi magpapatalo.
Alam nating malayo na ang ating narating,
Ngunit malayo pa ang ating lalakbayin.

Tayo'y magpatuloy sa ating landasin.
Manatiling matuwid hanggang sa kanyang pagdating.
Magsumikap na tayo'y makarating
Sa kanyang kaharian na ating tutungihin.

A family loved by God,
Walang mahuhuli o maiiwan.
Panatilihing malinis ang puso't isipan.
Sama sama tayong papasok sa kanyang kaharian.

----------------------------------------------

Bilang kabataan gamitin natin ang ating buhay upang maglingkod sa Diyos. Huwag nating sayangin ang oras natin sa walang kabuluhang bagay. Mas piliin nating gumawa ng mabuti at maki isa sa paglilingkod. Masarap maglingkod sa Diyos at maging parte ng kanyang pamilya.

Spoken poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon