puzzled

71 3 3
                                    


( Play : Mahal ko o Mahal Ako by KZ Tandingan )


Alam ni Jules, mahal nya si James.

Alam nya.

Nagkasundo sila na aantayin nila ang isa't isa.

Nagkasundo sila na ipaglalaban kung ano meron sila.


Alam ni Keith hanggang kaibigan lang ang tingin sa kanya ni Jules.

Alam ni Keith.

Hindi sya umaasa.

Hindi sya nagtatanong.

Pero hindi pwedeng hindi sya masaktan.

Kahit mangarap, hindi nya magawa.


Alam ni Jules, this time hindi ito panaginip.

Alam ni Jules, simula pa lang nung una, si Keith, palaging nandyan...

Hindi maintindihan ni Jules, biglang nag flashback lahat ng kabutihan ni Keith sa kanya.

She's wondering, kelan nagbago si Keith? Kelan sya minahal ni Keith?


Si Keith, ang nagdala sa kanya sa hospital

Si Keith ang naglayo sa kanya sa sakit nang makita nya noon si James at Sofia na magkayakap.

Si Keith ang palagi nyang kasama... isang tawag lang nya...

Si Keith.... Na nakikinig lang sa mga iyak nya...


Gaano kasakit kay Keith na makita akong ganito?

Gaano kasakit kay Keith na hindi nakapagtapat for a long time?

Gaano kasakit kay Keith na magmahal uli ng walang inaantay na kapalit?

________________


Weeks passed.

Padalang na padalang ang pag-uusap ni James at Jules.

Pa-busy ng pa-busy si James sa Company nila, gayundin si Jules sa Training.

Basta sinisigurado ni Jules na nakakapag text sya everyday kay James.


Jules is keeping her promise.



James' mind

" I'm not giving up on you Jules. I just want to give fate the chance... " 

Unfair LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon