**salo**

62 4 3
                                    

( Play: It's Over Now by Joey Albert )


" Jules!" tawag ni Keith, " lika na, sakay na.. " sabay abot ng helmet kay Jules.

Hindi na nagdalawang isip si Jules.

This time, wala syang takot, kahit parang simbilis ng hangin ang takbo nila...

Hindi rin maramdaman ni Jules na nakahawak sya kay Keith.

Pakiramdam nya sya lang ang lumilipad palayo....


______

WALL OF INTRAMUROS

Umupo si Jules sa Wall ng Intramuros, malapit sa Mapua, nakatingin sa malayo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Umupo si Jules sa Wall ng Intramuros, malapit sa Mapua, nakatingin sa malayo.

Nakasunod lang si Keith sa kanya.

Kita nya ang golf course, at ang maliit sa mata nyang orasan ng Manila City hall.

Walang nagsasalita.

Matagal.....


" Hindi ko sinasadya ...... " mahinang sabi ni Jules

Nakayuko lang si Keith. Wala syang planong magsalita.... handa lang sya na makinig lang at samahan si Jules.

" Sorry Sir, langya.... ang dami mo na nawitness na drama " sabay pahid sa luha nya

Nakatingin lang si Keith

" Sabi mo love is brave... sabi mo ang nagmamahal nasasaktan......baka kulang pa....

kulang pa yung tapang ko... ? kasi Sir......

ang sakit....

ang sakit sakit........ " tuluyang humagulgol si Jules....

Inakbayan sya ni Keith at sinubukang patahanin ito.


" Sarili ko kalaban ko Sir...

baka hindi talaga ako marunong magmahal....... tsssss nakakaloko...

hindi ako marunong magmahal kaya ako nasasaktan....

kala ko ba ang nagmamahal ang nasasaktan.... "


" Nung sinabi nyang " Ang hirap ko raw mahalin.. " alam mo yun... parang nag flashback lahat...

yung mga minahal ko na.... nawala na lang.... kasi nga.... siguro... tama si James... mahirap ako mahalin.........."


" Hindi ko sinasadya.........." tuloy ang pag iyak ni Jules

.......................


Hanggang sa maihatid ni Keith si Jules, wala na sila kibuan.

Ni hindi nagpasalamat si Jules kay Keith. Tuloy tuloy ito pagpasok ng apartment.


_______________


Unfair LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon