endurance

69 3 3
                                    

7:30am Kumpleto na ang estudyante sa klase ni Keith for Electronics Design 4.  Maaga rin pumasok si James pero hindi pa rin sila magkatabi ni Jules dahil mas maagang napupuno ang upuan sa side ni Jules. 

Bago maghanda si Keith ng idi-discuss nya, nag attendance roll call muna ito. 

" Good morning Sir!  " sabay pa si Bobby at Paolo na nag greet kay Keith habang papasok ito sa pinto at may inabot na papel kay Keith. 

Natatawa at nagtataka naman si Jules at James. 

Nagpa transfer ng schedule ang dalawa from afternoon to this first class in the morning. 

Naupo ang dalawa sa side ni James dahil dun  maraming bakante.

" Pre! " high five silang tatlo , habang nakatingin naman si Jules sa kanila. 

Kumaway si Bobby at Paolo kay Jules. 

James and Jules remained just casual with each other, especially pag buo ang barkada. 

____

" O pano, kita kits na lang later? lunch tayo! " aya ni Bobby kina James at Jules habang palabas sila ng classroom. 

" sige ba! " sagot ni Jules. 

Magkakaiba na sila ng classroom after that. 

Naiwan muli si James at Jules na magkasama but still barely talking. 

Walang gusto mauna. 

Talo si James. Nauna sya this time. 

" Buti naman kaklase natin sila Bob no? para tayo uli ang group sa design " 

Wala naman planong maghanap pa ng ibang ka group si Jules, lalo na ngayon, andyan na ang original team nila. 

" yeah, tama. ayos yun. " nakangiting sagot ni Jules. 

Gumaan naman ng konti ang atmosphere between them since then. 

" Walang atrasan sa lunch mamaya Jules ha, sana makasama ka namin, bago ka pumasok sa work? "

" Yup, i'll join. Miss ko na rin sina Bob e. " sabi ni Jules, may kirot man sa puso nya ito. 

James' mind

" Ouch. buti pa sina Bob. " 


LUNCHTIME 

Naglalakad palabas sina James at Jules nang biglang sumulpot si Bobby sa likod nila at umakbay ito ng pasabit gitna nilang dalawa, halos nagkalapit ang mukha ni James at Jules, pero pinigilan ito ni Jules. " San tayo!! gutom na ko!!! hindi ako sanay ng ganito kaaga talaga pumapasok hahaha " tanong ni Bobby

" Sa wall tayo! kay Manang! kaya lang mainit. "

" Ayos lang yan, minsan lang naman! tara ! " sagot ni Jules

" Alright!!! " sabi nina Bob. 

Palabas sila ng gate ng makita nila may dumudungaw na babae. Si Sofia. 

" Pare si Sof! " sabi ni Pao

" Hi guys!  bati nito sa kanila " " Hi Jules! " 

" Hi Sof ! " magaling mag pretend si Jules, it is as if balewala sa kanya ang presence ni Sofia. 

" Why are you here? " tanong ni James 

" As usual, may pinaasikaso sa kin si Dad so, naisip ko baka sakali makita ko uli kayo "

" Galing ng timing mo Sof, hahah buti palabas na kami for lunch " 

" hahaha i know! tatawagan ko naman kayo kung hindi ko kayo nakita now. "  " So.. are you guys having lunch? Tara?  " 

Unfair LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon