getting to know

651 19 10
                                    




Whooooooooooooooahhh!!! Kalampagan ng mga mesa at malakas na sigawan habang si James ay nagpapakilala sa harap ng klase. Hindi lang kapangalan, kamukang kamuka pa nya si James Reid. From skin, looks, pati porma. A little shy sa pagpapakilala pero he knows he is charming especially sa ladies.

First day nila sa College of Engineering. Mapua. Walang uniform. Kaya kitang kita ang porma ni James. Karamihan sa klase kilala na sya dahil magkakasama na sila sa Mapua highschool.

Sa isang sulok, nakaupo si Jules. Nakikiramdam. Transferee sya. Pero alam nya, hindi sya mahihirapan makibagay kasi likas na friendly. masayahin, kalog at one of the boys si Jules. 

Pagtayo pa lang ni James sa harap, napangiti na si Jules, " ang cute naman nya.. " Nakatitig lang si Jules kay James habang nakangiti. Ok lang kasi marami sila sa klase, hindi sya mapapansin nito.

" For those of you who already know me from Mapua high, nice to see you again, for those who don't yet, hi !  I'm James Medina " matipid na pagpapakilala ni James with his sweetest smile and blushing cheeks. Lalong lumambot ang puso ni Jules. " Sweet naman nya at mukang mabait "

Lahat ng students get their chances to introduce themselves pero kay James talaga ang pinaka highlight.

Nag isip si Jules pano maging unique and cute ang pagpapakilala nya na hindi magmumukang epal. She always wanted to be remarkable pero makamasa. " Dapat witty para ang first impression nila sa kin is the real me "

Kanya kanyang kwentuhan ang mga istudyante ng tinawag si Jules para magpakilala. Majority is trying to listen para hindi matawag ang attention ng Prof .

" Hi! I'm Jules Perez from Bicol, I'm new here so...  I hope I can get to know all of you and make our college lives fun and memorable. Thank you guys " Jules ended it with a smile, hindi na nya hinabaan, baka ma bore lang ang klase. Very light ang mood ng klase after her introduction and responded to her with their smile.

Simpleng simple si Jules, maluwag na blouse, sakto lang sa katawan nya, naka jeans, at naka flats. nakalugay ang buhok nyang wavy. Maputi pero hindi kagandahan. May itsura naman, kaya lang hindi matangos ang ilong. Pambawi nya ang mga mata nya, chinita at matatamis na ngiti.

Pagbalik nya sa upuan nya, nakaabang ang mga high five ng mga seatmates niyang sila Bobby at Pao. Nakipag high five si Jules. One of the boys. While ang mga babae naman ay nakangiti sa kanya, sign of welcome.

Hindi nakita ni Jules ang reaction ni James, kasi ayaw nyang hanapin ito at baka makahalata naman.

Nakita ni James ang pakikipag high five ni Jules kina Bobby. " She 's cool " sabi nya sa isip nya.

Block section sila. For the whole year, sila ang magka klase, pero they have to move from one classroom to another for all subjects. 

Going to their next class, kasabayan na ni Jules sina Bobby at Pao nagkakakwentuhan na. Making friends na si Jules. Pagdating sa next classroom, andun na si Prof Ballado, nauna pa sa mga students. " You need to sit alphabetically " Pinatigil nya sa pinto ang mga istudyante at tinawag nya isa isa bago pumasok.

Kumabog ang dibdib ni Jules. " Shocks. Medina at Perez. Meron kayang " N " at " O" ang surname sa mga mokong na ito? Sana wala, hehehe " Pilyang naisip ni Jules.

"Medina " tawag ng Sir Ballado, sabay turo ng index card kung san sya dapat umupo.

" Yes Sir " sagot ni James

"Perez" tawag ng Prof, sabay turo sa katabing upuan ni James.

"OMG !!!!! " Pakiramdam ni Jules, Graduation na!!!  Sobrang saya nya pero hindi nya pinakita kahit konti.

" Yes Sir " sagot ni Jules.

Papunta sa upuan nya, ni hindi tumingin si Jules kay James. Diretso sa upuan nya ang tingin nya.

" Hi seatmate " bati sa kanya ni James

" potah naman ito, ano ba isasagot ko rito ? "  panic mode si Jules.

" Hi brad. " sagot ni Jules.  "brad? brad? nyeta ka, pwede namang Hi lang ! "

Anyway, nangyari na. Nasabi na nya, wala na bawian.

Unfair LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon