**pagkakataon**

78 5 4
                                    


" shit.... "  halu halo ang pakiramdam ni Jules nang makita sa email na sa US sya ipapadala para sa Project Training ng team nya. 

Sa Los Angeles ang Training ni Jules for 3 months. 

Halos 6 hours by land to San Francisco

Isang oras at kalahati naman by plane. 


" what am I thinking?? bakit ko ba tinitingnan ito??? " 

Sinara ni Jules ang window search nya ng Los Angeles to San Francisco. 

Biglang na excite si Jules, pero, pilit nya itong tinatanggi sa sarili nya. 

Dahil hindi tama. Hindi fair kay Keith. 

And besides, ok na si James at Sofia. 

" Kaya stop it Jules!!! " sabi nya sa sarili nya.


_______

" That's good! kelan ang alis mo? " sabi ni Keith ng sabihin ni Jules ang news

" Pinapa-asikaso na ang Visa then we leave next month... " 

" Nice! sure approved yan kasi padala ka ng company. " 

"Ah... ok lang ba sayo...?"

" Why not? " 

" I mean, 3 months kasi yun, tapos US pa.... " 

" Wala ako right pigilan ka, para sa career mo yan, trabaho yan..why you'd ask that? " 

" Hmmm.. wala.... " 

" Kung naiisip mo worried ako about James?  It's ok Jules, ikaw pa rin ang masusunod, kahit boyfriend mo ko, hindi kita pwede pigilan... tsaka... malaki ang States no! hahahhahha "

TAWANAN SILA. 

"pero ang lapit lang by plane....... ay Jules! stop it!! "  saway ni Jules sarili 


________

Nagpa- dinner si Keith the night before ng flight ni Jules. 

Invited their friends including Yna, Gaye and...

" Bobby!!!!!!!!!!!!!!! Pao!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw ni Jules pagkakita kina Bobby at Pao papasok ng pinto ng resto na pina-reserve ni Keith 

Group hug silang tatlo. 

" Mis you brad.. " sabi ni Bob

" Onga taena, kung kelan ka aalis saka lang tayo magkita!? " sabi ni Pao

" OA nyo naman! babalik naman ako! 3 months lang e! hahahha " 

TAWANAN SILA.

" Eto naman kasing si Keith, may pa despedida pa, as if naman hindi ako babalik "

" babalik ka ba talaga? " panunukso ni Bobby

" Ha!?? Sira ulo! ano akala mo sa kin mag TNT hahaha "

" eto na yung Visa na pangarap mo before Jules " sabi ni Bobby

" raulo! tagal na yun, tsaka iba yun! hahhahahha " sagot ni Jules 

" Tinawagan kami ni Pogi e... " sabay nguso ni Pao kay Keith

" Onga... kayo na ba? "  usisa ni Bobby

" Actually yeah. " mahinang sabi ni Jules 

" Wow! kayo rin pala magkakatuluyan ah! good for you, good catch si Keith " sabi ni Pao

" hahahha parang sinabi mong hindi ako good catch hayup ka " sabi ni Jules 

TAWANAN SILA.

" Mahal mo na Jules? " tanong ni Bobby 

" Ah......." bago pa makasagot si Jules

" Uy guys! buti nakarating kayo! " bati ni Keith sabay akbay kay Jules 

" Onga, salamat sa pag-invite, na miss namin itong babaitang ito " sabi ni Pao

" Congrats ha, i heard... " sabi ni Bobby

" haha salamat Bob. oh ano tara, kain na tayo! " yaya ni Keith. 


_____

Pinakilala ni Jules si Bobby at Pao kina Yna at Gaye. 

Masaya silang nagsipag -kainan habang nag ki kwentuhan. 

" Picture tayo!!!"  sabi ni Bob, " Para naman may souvenir ako ng mga new friends ko " referring to Yna and Gaye. 

Mahilig magpicture si Bobby, mahilig din mag post sa Socia Media. 

Wala pang isang minuto, nai-post na nya ang picture nila.

 With caption:  

" Bon Voyage Jules! Size 9 lang ako don't forget. I-kiss mo ako kay Mickey Mouse."  

sabay tag kina Jules, Keith, Pao at sa new fb friends nyang sina Gaye at Yna. 

_______


Habang nag-iimpake si Jules, kinakabahan sya na hindi nya maintindihan. 

Na-e-excite sya na hindi. 

Inisip na lang nya na first time experience nya ito sa US kaya i-eenjoy nya. 

" Yung lang ang reason kaya ako excited! " Jules convincing herself. 


______________

SAN FRANCISCO


" Bon Voyage Jules! Size 9 lang ako don't forget. I-kiss mo ako kay Mickey Mouse."  


Kakagising lang ni James nang makita nya ito sa Fb post ni Bobby. 

Napangiti si James. 



Unfair LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon