My Assassin Wife 5

4.7K 144 5
                                    


Kumikinang ang balat ko dahil sa mga ginawa ni Nathan!

Bukas na ang birthday ni Martin kaya nagkakagulo na sa bahay.

Busy na lahat sa kusina dahil nagpeprepare na sila ng pagkain para bukas.

Sa school din kanina busy ang mga teachers sa kung ano ang susuotin nila at ireregalo kay Martin.

Nakakaloka!

Pumunta ako samay dirty kitchen. Gusto kong tumulong pero magiging sagabal lang ako.

Sa loob naman na kitchen ay nag-aayos sila Maya ng mga design para sa mga table.

Naisip kong magbake ng cake para kay Martin.

Nagpabili ako ng mga ingredients na kailangan ko.

8pm ko sinimulan magbake.

Busy pa si Martin sa meeting kaya hindi ko na kailangan itago yung ginagawa ko.

"Ano yan!??"

Tanong ni Marielle nang nilalagyan ko na ng icing yung cake.

"Aah para kay Martin. Isusurprise ko sana siya mamayang 12."

Inaantay kong laitin niya ako pero wala siyang sinabi.

Okay lang kaya yun!?!

Lagpas 11pm ay natapos na ako sa cake ko.

Ayaw daw ni Martin ng chocolate kaya Strawberry shortcake ang ginawa ko.

Nilagay ko muna yun sa ref.

Grabe hindi padin sila tapos magmeeting.

Kaninang 5 pa daw sila doon.

Tumambay lang ako sa kitchen at inabangan na lumabas si Martin.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako hanggang sa may gumising sakin.

Si Martin pala.

Napatingin ako sa orasan.

2am na.

"Bakit dito ka natutulog?"

"Aah inaantay kong matapos yung meeting mo."

"Bakit?"

"Teka. Dyan ka lang. pikit ka."

"Ha?"

"Basta dali!"

Kinuha ko yung ginawa kong cake sa ref.

Nilagyan ko ito ng candle at sinindihan yun.

Nagsimula na akong kumanta ng bappy birthday.

Dinilat naman ni Martin yung nga mata niya.

Napangiti siya.

"Thank you."

Nagwish muna siya bago niya hinipan yung candle.

"Ako nagbake niyan."

"Wow. Thank you Olive. You don't know how happy I am."

Ibabalik ko na yung cake sa ref pero pinigilan niya ako.

"San mo dadalhin yan?"

"Ibabalik ko na sa ref?"

"Siyempre kakain nako. Can't wait to eat your cake."

Ewan ko ba pero parang ang bastos nung dating nung sinabi niya!

Nilapag ko ito sa counter at binigyan siya ng slice.

Kumuha din ako ng sa akin pero konti lang.

My Assassin Wife (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon