HNHA 24: Lost brother

105 6 2
                                    

Kung noon ay pahirapan pa kami ni Jamie na mag-aya ng makakasabay for lunch, ngayon na man ay kusa silang sumama sa amin. Kaya magkakasabay kaming nag-lunch dito sa Bon Chon as a group. Pito kaming magkakasama sa table.

"Pero sis, ang gwapo ng Boyfie mo! Wala ba 'yong little brotha?" Sabi ni Salma. Parang noon lang, halos hindi ako nyan kausapin pero ngayon, wagas maka-sis sa akin!

"Hindi ko nga s'ya boyfriend. M-mag-kaibigan lang kami." Seriously? Magka-ano nga ba kami? Hindi pa rin kasi namin napag-usapan yon kasi si Cres lang naman ang nagkokonekta sa amin.

"Bakit may halik sa labi? Ganong level ng friendship na ba ang mayron kayo?" Nakataas ang kilay ni Twinkle ng itanong n'ya yan. Chismosa!!

"Oo nga, grabe, tas yung mga tingin nya sayo?! Intense, eh!!" Sabi namin ni Jelina habang napapahampas pa sa mesa. Ngumiwi ako.

"Hay nako guys! Kung sumama lang kayo sa lunch namin ni Jade para maki-langhap ng Chismax, hindi na lang sana kayo sumabay, aber!" Humalukipkip si Jamie at inirapan sila habang ngumunguya.

"Ay ay ay, kadamutan lang ganon? Palanghap lang ng onti, ayaw pa?"

"Eh kasi naman di ba, masyado po napaghahalatang chismosa kayo! Hindi pa professional! Ampness kayo!" Umirap ulit si Jamie sa kanila bago uminom ng tubig. Nagkunutan ang noo nila.

"Bakit ba mas apektado ka pa sa pagtatanong namin kesa kay Jade?"

Nagtaas ng kilay si Jamie kay Vina, "Hindi kasi ako tanga, ateng. If ever hindi nyo napapansin, iritado na ang mukha ng friend ko kaka-usi nyo sa kanya!"

Bago pa makapag-salita si Vina ay tinaas ko na ang hintuturo ko para wala ng magsalita. Magkasalubong na ang kilay nila Vina at Jelina. Habang sila Salma, Twinkle at Nicola ay nagbubulong bulong na. Bumuntong-hininga ako.

"Nasa harap tayo ng pagkain,guys. Respeto naman kay Lord..." Inisa isa ko sila ng tingin. Nagsi-ayos sila ng upo. "At para hindi kayo maguluhan. Wala kaming relasyon ni Arc. Like, romantic relationship, walang ganon." Pagkaklaro ko.

"Eh bak--"Pumikit ako ng mariin para ipakita sa kanya na hindi ko na sasagutin ang tanong nya. Bumuntong hininga na lang sya atsaka nagpatuloy kaming lahat sa pagkain.

"Uy, Jamie, thank you sa pag-sangga sa mga kalaban kanina ah?" Nakabalik na kami sa trabaho at malapit na ang out naming lahat kaya nag-aayos kami ni Jamie dito sa Cr.

Nginitian nya ako sa salamin tsaka tinaas-baba ang kilay ,"Anuba bhe, kahit sino naman maiirita kapag may kasamang usisera, noh!! Kaya no probs na yung ginawa ko for you!" She winked at me. Nagtawanan kaming dalawa.

Minsan talaga, hindi mo kailangan ng maraming kaibigan eh. One true friend is enough. Kaysa naman, pito nga kayo, isang daan nga kayo pero nagpaplastikan lang kayo. Mas hindi fulfilling sa puso kapag ganun, di ba? Naunang lumabas sa Cr si Jamie kaya ako na lang mag-isa sa Comfort room. Marami pa kasing tinatapos yung iba.

Tnitigan ko yung reflection ko sa salamin. Keri pa naman yung face ko. At buti na lang, hindi pa nareremove iyong eyeliner ko! Kasi hindi naman ako marunong maglagay ulit! Kaso yung lipstick, medyo nagfefade na :( Dapat patungan!!

'Wuyy! Lalandi ka nanaman, Jadeng ah! Yiii~ Kilig kilig!' Gumigiling giling at ngiting ngiti na sinabi ni Red sa akin. Binelatan ko sya pero hindi ko rin napigilang matawa.

'Huuu, anong tawa, anong tawa? Kinikilig ka nanaman, gaga ka!'

"Bakit? Bawal kiligin?" Parang baliw sa pagkakangiti kong tanong. Hawak hawak ko yung Mac na lipstick na pinadala sa akin ni mommy at iniisip kung paano ito ipapahid sa labi ko.

Half-Normal,Half-AbnormalWhere stories live. Discover now