HNHA 17: Amsterdam

59 2 2
                                    

Karga-karga ko si Cres ng bumaba kami sa Amsterdam at si Arc naman ang may hatak sa mga bagahe namin. Actually kasama namin si Delancy at si Gerald, yung dalawang secretary ni Arc. Nauna na daw yung parents ni Arc doon sa London nung nakaraang araw pa.

"Still sleepy?" Nakangising tanong sa akin ni Arc. May suot ulit syang Rayban at ngayon ko lang ata sya nakita na hindi naka-formal wear dahil napaka-casual ng dating nya ngayon.

Humikab ako, "Oo eh. Di kasi ako masyado nakatulog kagabi dahil sa pagka-excite!" Tumawa sya at tumango. Sabi nya magpunta muna kami sa duty free doon para naman makabili ng Souvenirs na mula dito sa Amsterdam.

"Ay teka, hindi prepared wallet ko! Doon na lang sa London para isang bagsakan!" Tumawa silang lahat sa sinabi ko.

"Baby, my treat. Don't worry." Inalis nya ang Rayban at kinindatan ako! ASDFGHJKL! KUNG USO LANG MAGBLUSH SA AKIN! NAKOOOO!!!!! Parang nagwala puso ko sa ginawa nyang pagkindat kaya bumunton hininga ako para matigil sa pagpapalpitate.

Edi nagpunta nga kami sa may duty free kasama sila Delancy at Gerald. Arc was true to his words at nilibre nya nga kaming lahat! Habang nasa counter ay umungol si Cres sa pagkakakarga ko. She yawned at kinusot ang mata nya. Hala ang baby ko! Ang cutie cutie! Dinilat nya ang mata nya at tinignan ako. "Hi bunso ko!" Hinalikan ko sya sa pisngi.

"Saan na po tayo?" Tanong nya sa inaantok na boses pero ngumiti pa din sya. My ghad!!! Hindi pa rin ako immune sa ganito kacute na mga ngiti ni Cres.

"Delancy, Gerald, humanap na kayo ng uupuan natin para makaupo na yung magmommy ko." Tumango ang dalawa at hinalikan ni Arc si Cres sa buhok.

"Mommy! Saan na po tayo?" Tinadtad nya ako ng halik sa pisngi kaya napatawa ako.

"Sa Amsterdam po, bunso!" Humagikhik sya. Naramdaman ko ang titig ni Arc kaya tumingin ako sa kanya.

Kagat-kagat nya ang kanyang ibabang labi na para bang nagpipigil ngumiti at kitang-kita sa mata nya ang pagka-amuse. Ngumuso ako,"Bunso i-kiss mo din si daddy mo oh. Magtatampo yan, sige ka."

Napatingin sya sa daddy nya na nag-aabot ng bayad sa kahera. Ngiting ngiti yung babae at hindi maialis ang tingin kay Arc. Aba! Sorry na lang sya kasi hindi sya yung tinitignan ni Arc kundi kami ng anak nya!

"Lagi ko naman nikikiss si daddy ng madami kapag nasa house kami e."

"Eh pero dapat ikiss mo pa din si daddy kasi masasad sya, gusto mo ba yon?" Umiling si Cres at sumulyap ako kay Arc na pinapanood kami. Nginitian ko sya pero bumaling lang ulit sya doon sa may cashier. Aray ko bh333 <//3

"Mamaya ikiss mo si daddy ah?" Tumango ulit si Cres tsaka yumakap sa akin. I kissed her hair at grabe an bango nya kasi talaga nang-gigigil ako!!!

Pagtapos sa duty free ay sumulyap si Arc sa phone nya bago ako tinignan, "Come on." Tumango ako at sinabayan sya sa paglalakad.

"Baby, ikiss mo na si daddy. Tignan mo oh, sad si daddy."Nginuso ko ang daddy nya na back to serious mode nanaman. Tinignan nya saglit ang daddy nya bago bumulong sa akin.

"Lapit ka pa po kay daddy para makiss ko sya ng ten!" itinaas nya pa ang dalawa nyang kamay at natatawang tumango ako.

Lumapit pa ako kay Arc at halos wala na kaming space kaya tinignan nya ako pero hindi ko pinansin.

"Daddy! I love you din po ng madami like mommy!" Tumigil kami sa paglalakad dahil sa ginawang pagdamba ni Cres sa daddy nya habang buhat buhat ko sya. Tumawa lang ako. Halik sya ng halik sa mukha ni Cres at napangiti na si Arc. Hayss, magtatay talaga. Mata pa lang ng dalawa ang sarap na magwalk-out dahil others talaga ako dito eh!

"Stop na bunso! May buhat pa si daddy ng madami oh, baka mapagod sya." Tumigil sya sa paghalik kay Arc at muling yumakap sa akin. Natatawa pa din sa gilid ko si Arc dahil sa ginawa ng anak nya.

"Masaya ka na?" Nakangiti kong tanong sa kanya. Sa hindi kalayuan ay nakita namin sila Delancy at Gerald na nakaupo na. Nag-Stop over lang naman kami dito at mamaya ay lilipad na ulit kami papuntang London.


Hindi sya sumagot n salita pero kasi nagulat ako dahil..dahil...dahil... hinalikan nya ako sa pisngi! SA PISNGI! ABA ASDGSUSHWIHS KOTANG KOTA NA AKO NGAYON AH!!! Dahil siguro sa sobrang kilig ko, sa halip na tumili o ikimkim tong kilig na 'to tumawa na lang ako!!

"Happy si mommy kasi nikiss sya ni daddy!" Nag-angat ng ulo si Cres. "Di ba daddy?"


"Happy si mommy kasi kiniss ko sya!" Sabi ni Arc kaya napatingin ako sa kanya ng nagpipigil tumawa.

"Oy hindi! Kanina pa kaya ako happy, di ba bunso?" Hinalikan ko ulit sya sa pisngi.

"Eh hindi po eh. Happy ka po kasi nikiss ka ni daddy!" Naupo kami sa tabi nila Delancy at pinatong ni Arc ang ma pinamili nya sa may mga bagahe. Naupo sya sa tabi ko habang may tinitignan sa phone. "Daddy! Kiss mo pa po ng marami si mommy para happy ulit sya! Hindi na sya naka-smile oh!" Nagulat ako sa sinabi ni Cres at pilit na ngumiti.

"Ay bunso, ang kulit kulit mag-sleep ka kaya ulit?" Tinignan ko si Arc at hindi na sya nakatutok sa cellphone nya kundi sa amin na.

"Di na po ako sleepy! Gusto ko ikiss din po kayo ni daddt ng marami tapos ikikiss mo po si daddy ng madami! Hihihi!"


"Grabe ka,bunso! Sabi wag maku-- Ay Arc pumatol ka naman sa Anak mo! Stahpp!" Natatawa kong sabi habang iniiwas ang pisngi ko sa mga halik ni Arc sa pisngi ko. Ewmeged, PDA! Tumatawa na rin si Cres at ang ingay naming tatlo dahil napapatingin yung mga taong dumadaan sa harap namin. I didn't mind them.

"Ang bango ni mommy. Gusto ko ikiss sa lips." Sabi ni Arc matapos akong halikan ng halikan sa pisngi. Naluluha na ako sa kakatawa ng tinignan ko sya.

"Awtsuu, nambola pa si daddy!" Tumawa rin sya at hinalikan ulit ako sa pisngi bago sa pisngi ni Cres.


Nagkulitan pa kaming tatlo at doon na naubos oras namin. Sumakay ulit kami ng eroplano at eto na talaga! Kasi papunta na 'tong London!

London, I'm coming!

Half-Normal,Half-AbnormalWhere stories live. Discover now