HNHA 8: Start

105 4 2
                                    

HNHA 8: Start

Jade's Pov

Medyo nakakapanibago rin na walang batang maingay dito sa bahay. Kahit na isang gabi lang 'yong nag-stay dito, talagang naging lively itong bahay at ngayon, back to normal nanaman ang lahat.

"Maganda pala lahi ng batang yon e, ano, ate?" Tanong sa akin Evan habang lumalamon ng popcorn at nanonood ng Movie. Actually, kaming dalawa ang nagmumovie marathon kasi okay lang mag-puyat dahil walang pasok.

Sya, lantak ng lantak sa Popcorn tas ako, nakatingin lang sa kanya.

Ang saya di ba?

"Paano mo naman nasabi?" Binawi ko na ang tingin ko sa kanya at tumutok na lang din sa panonood ng Dream House.

"Nakita ko 'yun sumundo sa kanya kanina! Yun yung tatay ng bata di ba? May itsura rin, e."

"I know right! May tita pa 'yung Supermodel, kaya maganda talaga lahi ng batang yown!!" Pagmamalaki ko sa kanya kahit hindi ko talaga anak si Cres. Tumingin ulit ako sa kinakain nyang Popcorn at nakita nya akong tinitignan yung hawak nya.

"Kanina ka pa Ate titig ng titig sa popcorn ko a." Nakakunot nitong sabi sa akin. Panong hindi ako mapapatingin? Sa tuwing nag-coconcentrate ako manood, naririnig ko ang malutong nyang pag-nguya. Tell me, paanong hindi ako matatakam sa kinakain nya? Para nya akong tinutukso!!

"Uso naman kasi magshare di ba? Pahinga nga!" Dadakot na sana ako pero ang hampaslupa, iniwas lang sa akin yung bowl of popcorn. Aba, ayos magdamot ito ah?!

Tinawanan nya ako habang may laman na pipcorn an bibig nya, "Ate wag kang desperada dyan. Sabi sa'yo kanina gumaw ka ng sarili mong lalamunin e."

"Grabe naman kasi, parang isang dakot lang, pinagdadamot pa!" Akma ulit akong kukuha pero iniwas nyo ulit at mas binilisan nya pa ang pagkain ng popcorn. Sunod sunod nya itong sinubo na para bang may nang-aagaw sa kanya. MABULUNAN KA SANA!!

"Baliw ka ba?!" Tanong ko sa kanya.

"Ajjskwo phsha ngajsjyjsjon bahsjn baliw?!" Seriously? Ano bang ipinaglalaban nitong kapatid ko dahil wala akong naiintindihan!! Inirapan ko na lang sya sa kahibangan nya at pumunta sa Fridge para maghanap ng lalamunin.

Naghahalukay ako noon sa fridge ng biglang sumulpot sa gilid ko si Evan at nakikisiksik rin sa pag-hahalungkat.

"Oy, ano ba? Tapos ka ng tumibag ng pagkain ah? Lalamon ka pa, baby bro?" Natatawa kong sabi bago tignan kung ano ma masarap kainin habang nanonood ng movie. Leche Flan o Menudo with rice? Ang heavy naman masyado.

"Ano ka ba, Ate jangjang. Hindi naman nakakabusog ang popcorn e. Ano ba kakainin mo? Share tayo." Napatingin ako sa sinabinya bago kinuha 'yung Leche flan sa ref. Nginitian nya ako tas kumuha sya ng dalawang kutsara na para sa amin.

"Medyo makapal mukha! Nako, ayan yung menudo ang kainin mo. Hindi rin nakakabusog 'tong Leche Flan!" Sigaw ko sa kanya bago bumalik sa salas.

"Si ate, napakadamot! Kanina kaya hindi kita binigyan kasi baka manaba ka sa popcorn." Sunod nya sa akin. Pagkaupo ko naman sa harap ng TV, credits n movie na lang 'yong pinapakita. What the f?! Kung kailang may lalamunin na ako habang manonood, tsaka naman na tapos yung Movie!?

Narinig kong tumawa si Evan kaya tinignan ko sya ng masama, "Ay ang malas talaga. Tapos na pala 'yong movie, hindi ko na kailangan ng kakainin. Ikaw na umubos nyang Leche flan mo!"

"Huyy! Edi magsasalang ulit tayo. Nailabas ko na kaya tas nabawasan ko na, baka mapanis 'to. Bibigyan na nga kita, e!" Offer ko pa sa kanya kaya nilapag ko muna sa Center table 'yong pagkain bago lumapit sa lalagyanan ng DVDs para makapagsalang. I checked the time at 11pm pa lang! Masyado pa maaga para matulog kami, tsaka movie marathon nga di ba?! Isang movie pa lang kaya ang napapanood namin!

Habang naghahanap ako ay umupo na lang sa Sofa si Evan at hinihintay ako mag-salang.

"Ang tagal.." Bulong nya na narinig ko.

"E kung tulungan mo kaya ako maghanap, no?" Iritado kong sagot sa kanya.

"Sino kausap mo, ate? Sabi ko ang tagal mag-reply ng tropa ko!!" At sinundan nya pa ito ng tawa. Ang baliw lang di ba? Nakakaasar talaga 'tong kapatid ko.

Napagdesisyunan kong itong Miracle In Cell No.7 na lang ang panoorin namin dahil ang cute cute ni Yesung! Nakakagigil tsaka maganda talaga 'yong story ng movie e.

"Ate hindi ka ba naiinis sa akin?" Bumalik ako sa Sofa katabi ni Evan na unti-unti ng inuubos 'yong Leche flan. Bakit ba parang palagi itong gutom?! Pinapakain naman namin to araw araw! 3 times a day with matching Meryenda pa sa hapon!

"Bakit naman ako maiinis sa'yo, aber?" Pinagtaasan ko sya ng kilay at sumubo na rin ng Leche flan. Ayyy, ang sarap! Lasang heaven :)

"E kasi ang damot damot ko sayo minsan samantalang ampon lang naman ako."

"Hoy! Anong minsan?! Parati kaya!" Natatawa kong sabi bago sya hinampas ng Throw pillow.

"Tsk! Pagnatapon 'tong hawak kong pagkain, ikaw maglilinis nito!" Inirapan ko na lang sya at nanoood ulit. "Pero ate, seryoso kasi!"

Nag-taas ako ng kilay. Ang totoo nyan, natural lang na mainis ako pero parang mababaw lang. Kasi hindi naman ampon ang tingin ko sa kanya kundi isang tunay na kapatid! Normal lang naman siguro na mag-asaran ang magkapatid kaya okay na okay lang sa akin kahit mag-damot sya. Biro ko lang naman yung sinabi ko na parati syang ng dadamot. Sa pagkain lang yan madamot, pero kapag sa pagmamahal at kwento? Nako! Nasa kapatid ko na!!

"Ang drama mo. Break na ba kayo ng Gf mo? Ha?" Sabay sundot ko sa tagiliran nya dahil para mapakibot sya. Natawa ako sa itsurang nyang naiinis!!

"Ate ano ba!! Walang ako syota. Nililigawan muna, pwede?"

"O talaga?! Sino ang maswerteng babae?"

"Bawal sabihin hangga't hindi ako sinasagot. May sayad ka yata ate , e."

"Hindi naman ako naiinis sa'yo, okay? Kaya wala kang dapat ipagdrama dyan at isa pa, wag na wag mong isipin na ampon ka! Kasi kahit totoo yun, tunay na kadugo naman ang tingin ko sa'yo." Tinignan nya ako at kumindat ako sa kanya habang naka-ngiti.

"Ang corny ang corny." Natatawa nyang sabi kaya hinampas ko ulit sya ng Throwpillow. Niyakap naman nya ako para hindi ko na sya paluin.

"Joke lang ate. Kaya mahal kita,e!"

"Hindi kita mahal, tse!" Biro ko. Kumalas sya sa yakap at inirapan ako. Ako naman ang yumakap kay Baby bro.

"Joke lang baby bro, love na love ka ni ate! Kaya wag ka mag tampo tampo dyan! Mas mahal kita sa anak ko, prames!"

"Baka anak mo 'yun." Tas nginisian nya ako. Ngumiti rin ako at niyakap pa ng mahigpit ang kapatid ko.

"Yiiii ngumiti na sya! Ate loves baby bro, okay?" Tinawanan nya lang ako at nanoood na lang kami.

Ang sarap sa feeling ng may kapatid. Lalo na kapag sweet at mabait!

Half-Normal,Half-AbnormalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon