HNHA 26: The Cousins

70 2 1
                                    

If Arc's house is a Palace, itong mansyon ng parents nya ay hindi maitatangging mas malaki! Mukha syang white house sa laki at elegante. Tapos ay ang laki pa ng bakuran nila.

I parked my car. Ang dami na rin ang nakaparadang kotse sa tapat ng mansyon nila at base sa mga sasakyan na naka-park ay puro big time ang mga may-ari nito! Karamihan ng kotse ay Mercedes-Benz or Chevrolet. Mayroon pa nga akong namataan na Jaguar.

Maganda ang landscape at lightings ng garden nila. Entrada pa lang, wow na!

Hinawakan ako ni mommy sa kamay, "Ito talaga ang mundo ni Evan.." She whispered. Bumuntong-hininga ako. Ngumiti sya ng tipid. Well, obvious naman na Victore nga si Evan. Ng malaman ang results ay kasama pa si Mr and Mrs Victore na sumundo sa kanya sa bahay. Kahit si Arelle ay kasama nila kaya nga masyadong kontrobersyal ang araw na yon dahil may iilang media na nandoon sa labas ng bahay namin. Nagulat ng ako eh! Buti na lang may dalang bodyguards ang pamilya nila kaya hindi nila masyado nakapanggulo.

May iilang guwardiya ang nandoon na nakabantay sa palasyo ng Victore at bago pa man kami tanungin ng kung ano-ano ng isa sa mga guards ay lumabas na si Arc at Evan. Pareho silang naka coat and tie pero silver ang kay Arc at black naman ang kay Evan. Lalo lang lumitaw ang pagiging Victore ni Evan sa damit nya.

Agad na niyakap ni Evan si mommy at daddy habang si Arc naman sinenyasan ang guwardiya.

'W.o.w' Nagpapapalakpak pa si Red at White sa tuwa. Napangiti lang ako.

"Good evening tita and tito." Arc politely greeted mommy and daddy at kinamayan nya pa. Nalanghap ko naman ang pabango nya na para bang nangaakit ang amoy.

"Magandang gabi din, iho." Nginitian sya ni mommy.

"Pasok na po tayo sa loob?" Minuwestra ni Arc ang daan papunta sa loob ng mansyon. Hinawakan nya ako sa bewang ko. Ewan ko ba pero parang kinakabahan ako pumasok sa loob. Feeling ko hindi ako belong sa loob. Kahit na pumunta naman kami dito dahil ito ay Welcome party para kay Evan dahil nahanap na sya at ipapakilala na rin sya sa iba pa.

"You're nervous," Bulong sa akin ni Arc. Tinignan ko sya. Nakangisi sya at kuminang ang hikaw nya sa kanang tenga. Parati naman syang gwapo, pero alam mo yun hindi nakakaumay titigan yun pagkagwapo nya! Yung parang mas matagal mong titigan at makita, mas lalong gagwapo sa paningin mo? Patingkad ng patingkad!

Kinagat ko ang ibaba kong labi bago ngumiti ng onti, "Ikaw ah, hindi ka pa nga nanliligaw kung makahawak sa bewang ko," Pinanliitan ko sya ng mata.

Bigla nyang itinaas ang dalawang kamay na para bang sumusuko na. Tumawa pa s'ya.

"Just wait, honey." Kinindatan nya pa ako. Natawa naman ako. Pati mata nya ay ngumingiti kapag tumatawa. Talagang masaya s'ya, sino bang hindi? Mahanap ang nawawala mong kapatid ay napakalaking dahilan na para ikasaya di ba?

Hinalikan ako bigla sa pisngi ni Evan at hinawakan sa kamay. Huhuhu! Parang dati Penshoppe lang ang pabango nitong bebe boy namin ngayon ang foreign na ng dating sa akin! Medyo magkaamoy na sila ni Arc! Big time na ang bebe boy namin!

Niyakap ko sya, "Bebe boy, ang bango mo na! Parang noon lang amoy pawis ka lang parati ah?!" Biro ko.

"Grabe ka naman ate, dati pa lang mabango na ako! Mas mabango lang ako ngayon!"

"O tapos tignan mo damit mo! Parang dati lang pa-Bench bench ka lang! Pero ngayon, bume-Versace ka na! Para ka na tuloy lalo yung kuya mo! Eh huhuhu!"

"O,o,o! Wag mo ng uhugan 'tong coat ko ate!" Nattawang saway nya sa akin.

"Utot mo! Nagiiyak iyakan lang naman ako!" Nagtawanan kami pareho.

Half-Normal,Half-AbnormalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon