HNHA 15: Stranger

73 1 1
                                    

"Sasama ka na po sa amin mommy?" Tanong sa akin ni Cres over the phone. Gabi na at nakagawian na ata nilang mag-ama na tumawag sa akin bago sila matulog.

"Saan?"

"Sa... daddy ano pong lugar 'yon? Len.. ano po?" Natawa ako kay Cres.

"It's London, baby." Rinig ko namang sinabi ni Arc kay Cres.

"Ayun po mommy sa London po? Pinayagan po ba kayo ni lola? Gusto ko po magpunta dyan sa inyo!" Tili ni Cres. Panigurado nakanguso na si baby n'yan!

Nakapagpaalam na ako kay mommy nung sabado pa at agad naman syang pumayag. Eh kung libre naman daw, bakit hindi. Grasya daw yun. Ang kaso gusto daw muna nyang mameet yang si Arc. Lalo nga ako naeexcite dahil dalawang tulog na lang at tutungo na kami sa London!

"Yes, bunso. Pumayag na si Lola! Yehey! Magkasama ulit tayo!" Gusto kong halikan yung screen para mahalikan si Cres pero hindi ko na ginawa dahil mukha naman akong tangan non!

"Ang bait po talag ni lola. Di ba po mommy? Namimiss ko yung mga pancakes nya. Gusto ko po magpunta dyan.. Daddy pwede po ba ako magpunta kila mommy?" Pinakinggan ko lang ang pag uusap nilang mag-ama.

"Iiwan mo si daddy dito?"

"Edi sumama po kayo sa akin kay mommy! Para po happy tayo tas magkakatabi tayong magssleep!" Napangiti ako sa sinabi ni Cres tsaka ko niyakap ang Jake the dog kong stuff toy. Naka-Loud speaker naman ito kaya keribg keri lang.

Narinig ko ang pagtawa ni Arc, "Gusto ko yan baby. Pero next time na lang...... hahatid na lang kita bukas kay mommy. Is that okay?" Pinikit ko ang mata ko at naiimagine kong nagtataas ng kilay si Arc habang tinatanong yun kay Cres.

Pumayag naman si Cres at okay lang naman sa akin na pumunta dito si Cres. Nag vacation leave na din muna ako sa trabaho. Buti nga at pumayag pa.

Kinabukasan ay umagang umaga kumakalabog na ang pintuan ko dahil sa katok ni Evan. "Ate! Gising na! May bisita ka!!" Sabay katok ulit ng malakas!

Umirap lang ako habang nag-uunat.

'Jade! Ano ka ba, sila Cres at Arc yun!' Untag sa akin ni White. Nanlaki ang mata ko at napakusot sa mata ko.

"Shit, oo nga pala!" Kumaripas ako sa pagbangon ko at binuksan ang pinto.

"Ayan, ayan. Di kasi naniniwala sa akin!" Sabi sa akin ni Evan habang tumatakbo na ako pababa ng hagdan. Hindi ko na sya pinansin dahil pagkalapag ko sa ground floor namin ay napatingin agad ako sa Living room namin.

"Mommy ko!" Sigaw ni Cres at tumakbo papunta sa akin.

Kinarga ko kaagad sya dahil panakip rin yun sa boobs ko dahil naalala ko wala pala akong bra. Naka-upo si mommy sa Sofa habang may hawak na mangkok at kumakain.

"Bunso nasaan si daddy?"

"Umalis na po sya! Sabi po ni daddy susunduin nya tayo mimiyang gabi. Di ba po lola?" Binalingan nya si mommy at naglakad ako papuntang sofa para kandungin na lang si Cres dahil mabigat sya!

"Ay oo nga pala, Jang. Nagpaalam na sa akin si Arc na doon ka mag-Oovernight para bukas sabay sabay na kayo pupunta sa airport." Nginitian nya si Cres. Napatango na lang ako. Grabe! Hindi man lang ako aware na doon pala ako mag-oovernight!

Tumabi si Evan sa akin at kinalong nya si Cres. Habang tinitignan ko sila ay hindi ko maiwasang pagkumparahin ang mata nila. Magkamata kasi sila. Tas kamata rin ni Cres si Arc.

Tinanong ko si Cres kung nakapag almusal na sya at oo daw. Nag Drive thru daw sila sa McDonalds ng daddy nya. Tumayo ako at nagpunta sa dining room dahil nandoon yung mga pandesal. Yizz, favorite ko itey! Pandesal na may palaman na cheese at itlog! Naupo ako doon habang umiinom ng kape at kumakain ng pandesal.

Half-Normal,Half-AbnormalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon