HNHA 7: Sundo

95 2 1
                                    

HNHA 7:

Nasa kalagitnaan ako ng pag lilinis noong may narinig akong iyak ng bata. Nanonood noon si mommy at ako'y nag wawalis. Tinignan nya ako ng maka hulugan pero hindi ko sya ma gets kaya kinunot ko na lang ang noo ko at nag walis ulit.

"MOMMY!!" Tsaka lang ako nagising sa katotohan noong sinigaw ni Cres 'yon. Oo nga pala at may kasama kaming baby ngayon dito. Dali dali akong tumaas at naabutan ko syang pababa ng kama at gulo gulo ang buhok.

And as usual, pulang pula nanaman ang mata nya sa iyak. Nahabag ako sa nakita ko at agad ko syang niyakap at inalo.

"M-mommy ak-kala k-ko po, i-iniwan ny-o ak-o." Sumisigok sigok nyang sabi. Nararamdaman ko pa rin sa balikat ko ang mga maiinit nyang luha.


Hindi na ako nakasagot at hinalikan ko na lang sya sa pisngi at bumaba na kami.



"Hay nako Jang. Ang slow mo din minsan," Biglang napatingin si Cres sa pinang galingan ng boses. "Patingin nga ako sa apo ko!" Magiliw na sabi naman ni mommy.


Waaah! Natutuwa ako kasi unti unting ngumiti si Cres. Tumingin sya sa akin sabay hinawakan ang mag kabila kong pisngi. "Mommy, sya po ba yung isa ko pang lola?"


"Yes, baby. Gusto mo bang i hug si lola?" Exaggerated syang tumango at bumaba sa pag kakarga sa akin at humarap kay mommy.


"Hi Lola! I'm Cres Daine, ako po si apo nyo!" Lumapad ang ngiti ko sa sinabi nya. Sinulyapan muna ako ni mommy bago nginitian si Cres.


"Ang ganda ganda naman ng apo ko!" Niyakap ni mommy si Cres dahilan para mapa hagikgik si Cres. Paulit ulit na nalulusaw ang puso ko kapag nakikita ko ang mga ngiti nya! Parang ang ngiti nya ay mas mahal pa sa kahit anong bagay dito sa mundo :">


"Tara na, meryenda na tayo!" Hinawakan ako sa kamay ni Cres bago hinatak ako papunta sa kitchen.


"Ano gusto mo bunso?" I asked to her.


"Gusto ko po eto!" Tinuro nya yung pancakes. Inupo ko muna sya at hinain ang pancakes sa harap nya.

"Ilan gusto ni bunsuan ko?"

"Five po! Kasi five years old na po ako!" Tinaas pa nya ang palad nya.


"Kaya mo ba yun ubusin bunso?" Tumango tango lang sya. Kaya binigay ko na lang ang lima, at kung hindi nya mauubos ako na lang ang kakain.

Noong nagsimula sya kumain, kwento lang sya ng kwento kung ano ang lagi nyang ginagawa kapag nandoon sya sa isa nyang lola. Ang dami dami nya daw toys doon tas mayroon pa syang bahay bahayan doon unlike daw dito, walang ganun. Pero ang sabi nya, " Pero happy pa rin dito kasi may mommy na ako na love ako tapos may lola pa ako na magaling mag luto ng pancakes!" Humagikgik pa sya at napa ngiti nanaman ako ng malapad. Hinawakan ako ni mommy sa likod kaya napa tingin ako.


"Jang, kahit anong mangyari, kailangan mo pa rin sabihin sa bata ang totoo." Tumango ako.


"Oo nga Ma. Wag ka ng maingay. Ang saya saya ng bata o, tas sisirain pa natin ang mood." Nag iwas na ako ng tingin kay mommy.


Nag ring naman bigla ang cellphone ko. Unknown pa nga ang number. Hindi ko na dapat sasagutin pero naisip ko baka importante.

"Ma, tignan mo muna si Cres at sasagutin ko lang 'to." Umalis na ako sa la mesa atsaka nagpunta sa labas.

"Hello?" The other line cleared his throat.



"Jade tayag?" Unti unting rumehistro sa utak ko kung sino 'tong kausap ko. Parang gusto ko mag tititili sa kilig! Boses pa lang nya pang prince na! Umiling iling ako bago nag salita.

Half-Normal,Half-AbnormalWhere stories live. Discover now