Kabanata 41

3.4K 107 28
                                    

KABANATA 41

THE moment they fetched Lyle from the bar, he clung like crazy at Ridge. Panay ang tawag nito sa kanya at paghagikhik na parang bata, and it bothered Zamiel more than it bothered him.

Ni hindi siya nito binibitawan. Sa tuwing susubukan niyang lumayo rito, mas humihigpit ang kapit ng binata sa kanya. Kapit na kapit at kahit subukan ni Zamiel na tulungan si Ridge na makawala rito, iiyak lang ito.

All in all, it was a huge hell of a ride. Panay din ang reklamo ni Zamiel. Kesyo dapat hindi na nila ito sinundo at tignan niya raw ang kalagayan niya ngayon. Burado ang personal space sa pagitan nila at kulang nalang daw ang halikan siya nito. Muntik pa itong makipagsabayan kay Lyle ngunit nagawa naman itong pigilan ni Ridge. Which is why he can still breath. Somehow.

"Fuck, he won't even let go of you and it irks me to death!"

Ganoon ang naging komento ni Zamiel habang pinanonood si Ridge na alalayan at buhatin si Lyle habang palabas sila ng taxi. Hindi siya nito matulungan dahil sa tuwing mararamdaman ni Lyle si Zamiel, nagpupumiglas ito't naglilikot.

"He ruined our date," dagdag pa nito.

Natatawang tinitigan ni Ridge ang binata. "We're still staying here for another two days and we already cancelled all plans by afternoon. It wouldn't hurt to help a friend for a bit."

He acts like that but he is concerned, I think. Though, Ridge cannot deny the jealousy in those eyes. Ilang beses ba siyang gagawa ng mental note na babawi siya mamaya sa sariling boyfriend?

Nakangiwing napatitig si Zamiel sa kanya. Hindi na ito nakapagprotesta nang ipasok ni Ridge si Lyle sa hotel. Pero bago iyon, sinabihan niya si Zamiel na dadaan muna sila sa may front desk. Itatanong kung saan ang suite ni Lyle nang maihatid nila at doon na rin maalagaan.

Isa pa, baka mas umusbong lang ang pagkainis ni Zamiel kay Lyle kung sa suite pa nila ito idederetso. His boyfriend's really possessive of his territory, so...

"Kaanu-ano niyo po si sir Villariza?" Tanong ng receptionist.

She was not even batting an eye on them, hence, Ridge believes that she probably thinks that they could bluff her regarding Lyle.

"Katrabaho po," mabilis namang sagot ni Ridge.

Dahil totoo naman. Nasa iisang field lang naman sila ni Lyle nagtatrabaho - fashion. Minsan na rin silang naging magkatrabaho lalo na noong nasa London siya para sa fashion show ng brand nila.

"May pruweba po ba kayo?" Pag-uusisa pa nito.

Nang magtanong ito, pinasadahan niya ng tingin si Zamiel. "Zam, pakuha naman ng cellphone ko sa bulsa. Kalkalin mo nalang gallery."

Ilang segundo siguro siyang tinititigan ng masama ni Zamiel hanggang sa bumuntong hininga ito't mag-comply sa utos niya.

"May litrato kayong dalawa?" Anito.

Tumango siya. "Group photo 'yon. Kasama namin ibang models saka iyong may-ari ng brand na under si Lyle."

"Good. Thought the photo only contained the two of you," bulong nito habang kinakalkal ang gallery application niya.

Napaka. Ni hindi ko nga naisip na kumuha ng litrato ni Lyle. I mean, he's cute and all but Zamiel's still my home, pagpapaliwanag niya sa isip niya.

Noong maipakita ni Zamiel ang litrato nila noong huling runway ni Ridge sa brand nina Lyle, pinayagan na sila ng receptionist na pumunta sa suite ni Lyle. Tinanong pa nga nito kung kaanu-ano niya si Zamiel pero nang sabihin niyang boyfriend niya, hinayaan na niya ang mga ito.

Idiots in Love (BxB, COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon