Kabanata 2

7.4K 386 104
                                    

KABANATA 2

"KUYA Aaron? Pwede ka bang makausap ngayon?"

Iyon ang mga salitang lumabas sa bibig ni Ridge nang oras na makauwi sa kanila. Isang araw na napagtanto niyang habang nagtatagal, nalulunod na siya sa emosyon at nasisiphayo sa sariling sikreto.

After all, Ridge realized something important. The love that he bores for Zamiel is not platonic and as time continues to pass by, it grows into something deeper. Pushes him to plunge into something frightening which may cause self destruction.

He is already fifteen then and Ridge took his good time to observe himself just as what Aaron suggested two years ago.

And now, he is certain of what he is and what he feels. He just wanted affirmation and security that he would not fuck this one up.

"Emergency? 'Di ka na kumatok pagbukas mo ng pinto sa kwarto ko, ah."

Tumango siya, "911."

Matamang napatitig sa kanya ang nakatatandang kapatid bago ito bumuntong hininga at itinuro ang kama nito. Doon siya nito pauupuin dahil hindi tulad niya ay hindi siya nagtatago ng extrang mauupuan.

Moreover, Ridge complied. Tumuloy siya papasok sa kwarto ni Aaron at ibinagsak ang bag sa tabi ng kama bago naupo at pumirme.

"O, sige nga. Kwento mo sa 'kin ba't 911 'yang tanong mo."

Pinagmasdan ni Ridge si Aaron na iikot ng swivel chair at ipagkrus ang mga binti pati mga braso. Nanunukat ang mga titig ni Aaron ngunit hindi rin alintana ni Ridge iyon, sa halip ay tumikhim na siya.

"Naaalala mo pa ba 'yong kaklase ko na nagpapatanong noon?"

Kumunot ang noo ni Aaron, ipinilig din nito dahil sa pagtataka. Mariing napakapit si Ridge sa kumot ni Aaron at hinihintay na sumagot ito.

Ngunit nagtagal ang pagtataka ng nakatatandang kapatid bago nito ibinuka ang bibig para magtanong na. Sinukuan ang panghuhula.

"Kaklase?"

Tumango siya, "Iyong kaklase ko na nagpapatanong kung normal ba na magkagusto siya sa babae't lalaki."

"Oh, oh, that kid. Nasaan na, may itatanong ulit?" Iniangat nito ang isang kilay, "Ang sabi ko, dalhin mo na rito sa susunod na magtatanong."

"No need, he's already here."

"What?"

Nang tumango siya, nanlalaki ang mga matang tinitigan siya ni Aaron. Alam niyang nakakabuo na rin ito ng sagot sa maliit na mind game na sinabi niya—na siya ang kaklaseng tinutukoy niya.

Lalo na't hindi naman bobo si Aaron para maramdaman na sarili niya ang tinutukoy ngayon.

"Sandali lang Ridge," Namamangha ito at napailing marahil sa pagkabigla, "Tama ba 'tong naiisip ko?"

"Oo, kung pareho man tayo ng iniisip ngayon."

"Tang ina!"

Tahimik niyang inobserbahan ang nakatatandang kapatid na mapahilamos ng mukha at mailing. Napapakurap pa rin ito at pilit na ibinabaon sa isipan ang nalaman.

Idiots in Love (BxB, COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon