Kabanata 7

4.2K 225 22
                                    

KABANATA 7

AH, how Ridge missed going out with Zamiel… but he definitely would never miss this blazing sunshine as it felt like it would toast someone alive.

"Maling bansa ata inuwian ko."

Kahit si Zamiel na mas malakas sa kanya sa init, hinihingal kahit na halos tatlong minuto palang silang naglalakad.

"Tanggapin mo na, ito ang Pinas kahit 'di summer."

Sumagitsit ito, "Pilipinas o pwitan ni Satanas? Ah, 'di. Baka naman nagmigrate 'tong bansa natin mula ekwador hanggang araw? Peste."

Mahina siyang natawa bago kumapit sa dulo ng sleeve ni Zamiel. Irita siyang binalingan nito ngunit kaagad nitong napansin ang paghingal at pagpapawis niya.

Ayaw niya talaga ng araw. Nanghihina siya. Tingin niya, hindi talaga siya tao eh. Pakiramdam niya, bampira siya. Gabi siya madalas aktibo.

"Gusto mong tubig? Daan muna tayo kina aling Risa—"

"Ayoko," Agap niya bago itinuro ang lilim ng tindahang malapit sa kanila, "Pahinga muna tayo Zamiel, mahiheatstroke talaga ako."

Bumuntong hininga ito, "Sabi ko na dapat nagbaon ako ng tubig eh. Tuwalya lang dala ko."

Hinila siya ni Zamiel sa lilim at kahit paano'y pinaypayan. Nangingiti naman siyang sumandal sa tiyan nito.

Ilang beses na ba niyang nasabi na ang saya talagang iniispoil ni Zamiel?

"Sabihin mo 'pag okay ka na."

"Hintayin nating takpan ng ulap 'yong araw," Bumuntong hininga siya, "Kahit itakbo ko nalang non."

"Tanga, 'di mas lalo kang nanghina. Pero sige, hintayin natin lumilim."

Kinse minuto siguro silang nagpapahinga, hanggang sa wakas ay pumresko kahit na papaano. At ayaw din sanang kumilos pa ni Ridge, pero iniwan niya si Zamiel.

At hindi iyon dahil nagtampo siya. Nataon lang na ilang beses siyang pinagbantaan ni Zamiel hanggang sa nakita sila ni aling Risa at nagsabing ipapakilala nito kay Zamiel ang apo nito.

Neknek naman ni aling Risa. Neknek din ng apo nitong magkakaZamiel ito. Siya nga, walang pag-asa eh.

"Ridge! Magdahan-dahan ka nga!"

Natigilan siya nang marinig ang pagrereklamo ni Zamiel. Nang lingunin niya ito, naabutan niya ang binatang malalaki ang hakbang na palapit sa kanya.

Hinihingal din ito.

"O 'di ba? Sabi ko na susunod ka sa 'kin eh," Ngising aniya.

Ridge must have sounded cocky as Zamiel furrowed his forehead and blew out a sharp exhale.

Nevertheless, he liked the idea that Zamiel chose him over some woman that their neighbor wanted his best friend to date.

"Paanong 'di kita susundan? Iniwan mo 'ko eh kinakausap ako ni aling Risa!"

"Nirereto lang non apo niya," Kibit balikat niyang sabi, "Tipo mo ba? Edi bumalik ka. Maganda naman 'yong babae saka matalino."

Idiots in Love (BxB, COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon