Chapter 64: KING VS THE SERPENT HOLDER

Magsimula sa umpisa
                                    

At mula pa sa ilang tao sa baba, pinagtatanggal nila ang hood na suot at inireveal nito ang mga tauhan ni Libra. Agad na itinaas nila ang mga baril at deadly weapons na hawak at itinutok ito sa mga tauhan ni Ophiuchus saka sila kinorner.

"Wow, I didn't expect that..." nakangiting saad parin ni Kneel habang pinagmamasdan ang paligid nya.

"It's over, Kneel..."

Tinitigan ni Kneel si Jireh at saka sumimangot ito sa sinabi nito. Para syang nagmamakaawa sa harap ni Jireh o pinaglalaruan ito.

"Coming here is like asking for your death, Montenegro!" saka tumawa si Kneel.

Nag-snap ito sa harap ng lahat at mula sa taas naglabasan ang mga tauhan ni Taurus at Sagittarius na may hawak na mga baril at nakatutok sa kanila.

Nagulat si Jireh sa nakita nya. The reason why Ophiuchus is stealing the mask of the Apostles ay para magamit ang mga underlings ng mga ito sa mga plano nya.

Sinubukang lumaban at magpaputok ng isa sa mga underlings nya, pero kasabay din nito ang pagpapaputok ng isa sa mga nasa taas. Tinamaan nito ang underlings ni Libra at isa sa mga tauhan ni Ophiuchus.

Napataas ang sulok ng labi ni Ophiuchus.

Wala syang pakeelam kung paulanan man nila ng bala ngayon ang lahat ng tao na nasa baba nya. Kahit sabihin pa na tauhan nya din ang mga naandoon, wala syang pakeelam, parte lang sila ng mga plano nya at hanggang dito na lang ang silbe nila.

"Kneel!"

Itinaas ni Kneel ang kamay nito at ipinababa ang mga armas ng tauhan nya at lumapit kay Jireh. Pinatabi nya din sa isang sulok ang lahat ng mga underlings na naandoon.

"Dahil mabait ako, I'll give you a chance... let's do it man to man..."

Saka ito nag-inat ng katawan at itinaas ang kamao na parang hinahamon si Jireh sa isang mano manong labanan. Walang underlings, walang armas o kahit na ano.

Hindi ibinaba ni Jireh ang baril nito, sigurado sya na sa oras na gawin nya yon, Kneel will take the chance na patayin sya.

Nagulat na lang si Jireh ng biglang mawala sa harapan nya si Kneel at ng lumingon sya sa kaliwa nya ay naandoon na ito at pasipa sa mukha nya. Agad na itinaas ni Jireh ang dalawang kamay para iharang dito.

Bahagyang napalayo si Jireh sa lakas ng sipa ni Ophiuchus, kung hindi nya naiharang agad ang kamay nya, sigurado sya na kaya sya nitong patumbahin sa sipang iyon.

Nakalaban na nila noon si Ophiuchus sa birthday party nito at aminado sya na mabilis talaga ang kalaban sa harapan nya ngayon. Sa lahat ng mga Apostles, si Bloody Maria na ang pinakamabilis at hindi nya mapigilan ang sarili na hindi ito ikumpara dito.

Ophiuchus have the speed of Virgo, the power of Leo the strength of Aries at hindi alam ni Jireh kung papaano nya lalabanan ito. He came here to give him a shock at umatake ng mabilisan pero biglang nabago ang sitwasyon.

Napaatras si Jireh at tumama ang paa nya sa isa sa mga kabaong na nakahilera sa unahan. Humarap ulit sya sa unahan at para bang naghihintay lang si Kneel sa kanya na umatake.

Sinenyasan ni Jireh ang mga tauhan ni Libra at sa isang iglap, biglang kumilos ang mga ito at sinugod ang mga tauhan ni Ophiuchus. Sunod-sunod din ang mga balang kumawala mula sa mga tao na nasa itaas.

"HAAAAA!!!!"

Sumugod ang mga ito na tanging ang kalaban sa unahan lang ang nakikita. Sunod-sunod na putok ang umalingawngaw sa lugar. May mga ilan din na nahulog mula sa itaas pababa matapos tamaan ng bala o di kaya ay batuhin.

Apostle Thirteen: The Return of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon