"I'm going back to Manila after an hour. Sabihin mo na ang lahat ng gustong mong sabihin. This might be the last time," sabi ng binata bago ilipat ang libro sa susunod sa pahina.

"Desidido ka na bang iwan ang buhay mo rito? Pa'no 'yong mga magagandang ala-alang nabuo rito? 'Yong mga pinagsamahan nating lahat? Itatapon mo na lang ba ang lahat ng 'yon?"

"Don't worry about nothing, dude. I'm just a part of their memories that needs to be buried," kalmadong saad niya.

"Akala ko ba gusto mong maayos ang alitan sa pagitan ng mga babae't lalaki? Hindi mangyayari 'yon kung aalis ka."

"I'm not the one who can fix it, alam mo 'yan. Baka nakalimutan mong ako ang puno't dulo ng lahat ng 'to. Everything will get worse; hence, I decided to stop from here."

Ipinagtaklob niya ang libro saka naglakad sa gilid ni Apollo.

"It was the happiest moment of my life, but I'm getting married months from now. I will be spending my new life with a woman in reality." Tinapik niya ito sa balikat. "We're not kids anymore to play such an immature thing. Just tell me if you're tired of playing games here. I'll wait for you and the others."

Isang hakbang na lang, tuluyan nang makalalabas ang binata. Pero hindi iyon natuloy nang makarinig ang dalawa ng pagkaluskos mula sa labas. Binigyan ng makahulugang tingin ni Apollo ang lalaki at iniwan niya sandal ito. Naabutan niya si Zeus na kabababa mula sa angkas sa kabayo, karga-karga si Mc sa mga bisig niya.

Mabilis na iniharang ni Apollo ang braso sa planong pagpasok ni Zeus sa loob ng tent. Napansin niyang walang malay ang babae.

"Hindi ito ang tamang lugar para pagdalhan mo ng kung sinu-sinong babae," aniya.

"Ano?" Napatiim-bagang si Zeus nang tingnan si Apollo. "Mataas ang lagnat niya at baka ikamatay niya. Alam kong may mga gamot sa loob at baka mas malagay sa panganip ang buhay niya kapag hindi naagapan. Oras na may mangyaring masama sa kaniya, tayo ang mananagot."

Umismir si Apollo. "Tayo? Ano ba sa tingin mo ang nangyari sa kaniya? Hindi ikaw mismo ang magdadala sa kaniya rito kung wala kang kinalaman sa nangyari sa babaeng 'yan. Kaya kung sino lang ang may obligasyon sa kaniya, ikaw 'yon. Huwag mo nang idamay ang iba sa kagagawan mo."

"Apollo, hindi ito ang oras para magtalo tayo. Kung gusto mong magpatayan tayo, pagbibigyan kita. Pagkatapos na pagkatapos niyang magamot."

Matagal silang nagtitigan. Sinubukan niyang muling pumasok sa loob nang dagli siyang tapikin ni Apollo sa balikat para muling pigilan. Kung maaari ay ayaw niyang hawakan 'to.

"Ako na ang bahala sa kaniya. Umalis ka na."

"Hindi ko siya ipagkatitiwala sa'yo. Alam natin kung gaano kainit ang dugo mo sa'kin at baka patayin mo siya para mapagbintangan ako."

"Sa ginagawa mo, mas lalong hindi ko hahayaang ipasok ang babaeng 'yan dito. Madali akong kausap." Tinalikuran na niya si Zeus nang pigilan siya nito.

Hinintay lang ni Apollo na mawala sa paningin si Zeus bago dalhin sa loob si Mc. Naabutan niyang nakaupo nanaman ang lalaki at nagbabasa. Wala itong pakialam sa nangyayari kanina sa labas. Wala naman na siyang kinalaman dito. Hindi na rin niya kilala ang mga narito. Wala nang dahilan para mangialam pa.

"Mataas ang lagnat niya. Anong dapat kong gawin?"

Nagbuntong hininga ang lalaki. "Hindi mo naman pala alam ang gagawin mo. Bakit mo pa sinabing ikaw na ang bahala sa kaniya?" Nasa libro pa rin ang atensyon at hindi man lang nagawang sulyapan si Mc.

APHRODITE (Greek Myth Series #1)Where stories live. Discover now