Fifteen

424 30 3
                                    

Chapter Fifteen: Mother

"We're here."

Huminto ang kabayo sa entrance ng pagkalawak-lawak na kagubatan kung saan tanaw na tanaw namin ang mismong building.

"Alam ko," pabalang kong wika dahil kitang-kita ko naman at isa pa, wala rin yata siyang balak iapak ang paa sa mismong university.

"Hindi ka pa ba bababa?" tanong niya na ikinakunot ng noo ko at gusto siyang taasan ng kilay kaso nasa likuran ko siya at hindi ko magawang lumingon dahil baka isang maling galaw lang, baka kung ano pang milagro ang mangyayari.

"Pa'no ako bababa kung sobrang higpit ng yakap mo sa beywang ko?"

Bumaba ang tingin ko sa kaliwang kamay niyang pati yata tela ng damit ko gusto nang iglue sa kamay niya, masigurado lang na hindi ako mahuhulog.

Ano ba namang ilang araw pa lang kaming nagkikita e tsumatsansing na sa'kin ang lalaking 'to?

"My mistake." Tumawa siya. Sing-bilis naman ng ihip ng hangin niyang inalis ang braso. "I thought it was a thin flat wood." Pang-iinsulto pa niya nang makababa ako saka pa ako tiningnan mula ulo hanggang paa.

Inis akong napatawa. Pasalamat talaga siya at nagmamadali ako, kung hindi, baka na-sampolan ko na 'to. Hindi niya yata kilala kung anong klaseng estudyante ng The Devil's Hell University ang nakatayo sa harapan niya.

"O siya, maraming salamat. Makaaaalis ka na," pag-iiba ko sa usapan.

Wala talaga akong panahon makipagtalo. Masiguro ko lang na ligtas si Mori at Avril pati na rin ang iba pang kaibigan namin, kahit magdamag pa kaming magsagutan ng lalaking 'to, wala akong pakialam!

"That's it? Do you even know what I did to help you?"

"Huh?"

Humalukipkip siya. Nakatingala ako sa kaniya dahil sakay pa rin siya ng kabayo.

Ang gwapo niyang tingnan lalo pa't tumatama ang sinag ng araw sa mukha niya.

"I'm supposed to go home for the nth time, but I can't seem to understand how on earth you are interrupting every time I leave."

"So? Sinasabi mo bang kasalanan ko?" Napaismir ako. "FYI, ikaw 'yung unang lumapit sakay 'yang kabayo mo. Tatakbuhin ko nga lang sana pabalik, e, kung hindi ka..."

"Take good care of yourself." Pagtatapos niya sa sinasabi ko. "Those people are crazy."

Wala nang nailabas na salita pa ang bibig ko nang talikuran na niya ako, sakay sa kaniyang puting kabayo.

Ilang segundo akong natulala dahil akala ko, makikipag-argumento pa siya sa'kin. Napahawak ako sa dibdib ko sa tila ba hindi maipaliwanag na dahilan.

Nakabalik ako sa building at wala na ang kumpulan ng mga estudyante sa corridor. Napakatahimik din at sa bawat hakbang ko, hindi ko mawari kung bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Ang ibang estudyante sa bawat silid, grabe kung tingnan ako. May ibang sobrang talim ng titig at ang iba naman ay hindi ko masabi kung naaawa sila sa'kin. Wala akong ideya kung bakit ganyan ang mga ekspresyon ng mukha nila.

Hanggang sa makapasok ako sa aming silid, natagpuan ko ruon si Mori at Avril na nakaupo sa kaniya-kaniyang upuan at kinokopya ang nakasulat sa blackboard na parang walang nangyari.

Pero kita ko ang ilang pasa sa katawan nila ganoon na rin ang mamula-mulang mata ni Mori na para bang katatapos lang umiyak.

"Mcroon..." maluha-luha ang matang iwinika ni Mori nang mapansin akong nakatayo sa pinto.

APHRODITE (Greek Myth Series #1)Where stories live. Discover now