Seventeen

179 9 0
                                    

AN: Will definitely finish this book before the end of the year :)

Chapter Seventeen: Rye

MC

Napabuntong-hininga ako.

Tingnan mo 'tong lalaking 'to. Natutulog siyang naka-upo sa upuan, at nakapatong ang ulo sa brasong nakapa-ibabaw sa maliit na drawer dito lang sa tabi ng kamang hinihigaan ko. Bale pagkagising ko, mukha niyang payapang natutulog ang bumungad sa'kin.

Kaya mas lalo tuloy akong nahiya dahil sigurado naman akong hindi siya komportable sa ganiyang sitwasyon. Hindi ko rin kasi namalayang nakatulog agad ako kagabi.

Teka... umaga na pala?! Hindi lang ako bastang late sa klase, dahil hindi ko pa rin nahahanap si Erin at Athena!

Lumabas na agad ako mula sa kwartong 'yon, nang dahan-dahan, dahil baka maistorbo ko pa siya. Pati ang pagsara ko sa pintuan ay sinigurado kong walang ingay na malilikha.

"What do you think you're doing?"

Napatalon ako sa gulat nang dahil sa baritonong boses na nagsalita mula sa likuran ko. Nang lingunin ko, si Apollo na wala atang ibang maipakitang ekspresyon ng mukha maliban sa seryoso na hindi mo gugustuhing ipinta.

"Aalis na ako," maikling tugon ko.

Takot akong makipagbiruan sa kaniya o ma-misinterpret niya ang sasabihin ko dahil baka bigla nanaman akong espadahin.

"Shall we?" Aniya.

Nagtataka ko siyang tiningnan pero kinunutan niya ako ng noo kaya sinimulan kong maglakad. Nakasunod siya sa'kin.

Pareho lang kaming tahimik. Hindi ako komportable sa kaniya. Tulad lang siya ni Eris at Athena na ayaw sa'yo kaso nga lang, walang kibo. Unlike those two bitches na talagang bulgaran.

"Umiinom ka ba ng kape?" Tanong niya nang makarating kami sa cafeteria.

Umiling ako. "Malamig na tubig, ayos na sa'kin."

Walang sagot o tango at basta niya akong tinalikuran. Napaka-bastos! Hindi na ako magtataka dahil 'yung nanay-nanayan ng mga tao rito, wala ring modo. Tiyak na hindi naturuan ng mabuting asal ang mga narito.

"Anong meron sa kape at hindi ka umiinom?" Inilapag niya ang baso ng tubig saka umupo sa silya sa harapan ko.

Napatitig pa ako sa kaniya nang ilang segundo dahil hindi ko akalaing kuryos siya para lang sa maliit na bagay na 'yan.

"Praning kasi ako. E, kapag umiinom ako ng kape, bumibilis 'yung tibok ng puso ko tapos bigla akong magkaka-anxiety attack na feeling ko mamamatay na ako. Kaya ayokong umiinom ng kape," mahabang paliwanag ko.

Hindi naman siya umimik pero nangungunot ang noo niyang nakatingin sa'kin. Wala akong ideya kung ano ngayon ang tumatakbo sa isip niya.

Tumahimik nanaman tuloy kaya ininom ko na lang ang tubig ko na agad ko namang nakalahati.

Iniisip ko nga kung bakit niyaya niya ako sa cafeteria imbes na hinahanap ko 'yung mga kaibigan ko o kahit si Erin man lang. Hindi ko tuloy mapigilang tingnan bawat mukha ng estudyanteng lumalabas-pasok, nagbabakasakaling isa sa kanila ang makita ko.

"Huwag mo nang problemahin ang mga kaibigan mo. Ligtas sila, sa ngayon, sa pangangalaga ni Zeus. Pare-pareho pa namang mainitin ang mga ulo nila. Hindi ko lang alam kung hanggang saan aabot ang pasensya ni Zeus."

Nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi ni Apollo. Salamat sa Diyos. Pero sinong Zeus ang tinutukoy niya?

"Zeus?" tanong ko. Dagling umangat ang ulo niya. "Matanong ko lang, sinong Zeus ang tinutukoy mo?"

APHRODITE (Greek Myth Series #1)Where stories live. Discover now