Nineteen

103 7 0
                                    

Chapter Nineteen: Horse Racing

Agad ko siyang tinalikuran habang kinakalas ang kumot na nakatali sa baywang ko. Damang-dama ko ang pag-iinit ng pisngi ko dahil nadatnan ko siyang naka-boxer shorts lang, kaso mas naagaw ng atensyon ko ang pagkalaki-laking tattoo sa may kaliwang hita niya.

It's an eagle, but only its face. Detalyadong-detalyado ang tattoo, parang totoo ang drawing. Nagulat lang ako dahil hindi ko inaasahang may itinatago pala siya sa ilalim ng napakalinis niyang pagkatao. Hindi naman sa hinuhusgahan ko siya at hindi ko sinasabing masama ang pagkakaruon ng tattoo pero halos lahat ng kilala ko ay may mga kahulugan ang tattoo nila.

Duon ako mas nagkaruon ng interes. Para kasi akong sinasampal ng agilang iyon sa tulis ng tingin ng mata niya. Parang kung ikukumpara sa lalaking ito, napakalayong maging ganyan siya kabagsik na halos hindi mo gugustuhing titigan siya sa mata. Kung may isang bagay nga akong mapupuri sa lalaking ito, iyon ang kumikislap niyang mga mata.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko. Pagkaharap ko, naka-slacks at itim na tshirt na siya. Pinupunasan na lang niya ng tuwalya ang basang-basang buhok.

"Anong ginagawa mo rito?" balik na tanong niya sa'kin na may pagdiriin. "You fear nothing, do you?" saka siya iiling-iling na sumulyap sa bintanang pinanggalingan ko.

Nilampasan niya ako't sinuklay ng daliri ang buhok sa harapan ng pahabang salamin. Nakatayo lang ako sa gilid at pinanunuod siya dahil una sa lahat, hindi ko inaasahan ang presensya niya rito. Na sa dinami-rami ng taong maaari kong makatagpo, talagang ang lalaki pang ito. Ang nakapagtataka pa ro'n, paano siya nakapasok dito?

"Let's go." Hinawakan niya ako sa braso't akmang hihilain na palabas ng kwartong iyon nang hilain ko pabalik ang sarili ko.

Sarado pa rin ang bibig ko. Nakakunot ang noo niyang pinagmamasdan ako. Ngayon lang nag-umpisang mamuo ang mga katanungan sa isip ko. At hindi ko alam kung bakit, pero iba ang pakiramdam ko. Sumasama ang pakiramdam ko.

"Sino ka ba talaga?"

He blinked as he stared at me. Hindi niya siguro inaasahan dahil kahit ilang beses nang nagtagpo ang landas namin, ni minsan ay hindi ko binalak tanungin ni pangalan niya.

Oo, noong hindi pa ako interesado. Noong hindi ko pa namamalayang hinihiling ko na palang masulyapan ang mukha niya kahit isang segundo lang. Noong hindi ko pa hinahanap ang tunog ng boses niya.

"You're acting weird. Are you sick?"

Ngayon lang nagsimulang magtagpi-tagpi ang lahat. Magmula sa hardin na pagmamay-ari niya kuno hanggang sa tinawag siya ni Apollo na Zeus na sa pagkakaalam ko'y anak ng propesor, at hindi naman siya ang Zeus na kilala ng lahat.

"Sana nga." Napaismir ako't tiningala ang litratong nakapaskil sa pader sa likuran niya. "Ikaw ba ang batang 'yan?"

Hindi pa niya nililingon 'yung tinutukoy ko nang bigyan na niya agad ako ng sagot. "Perhaps?"

"Tinatanong kita nang maayos."

"Is 'perhaps' not a proper answer?"

Nag-angat ang kilay ko dahil mukhang hindi niya sineseryoso ang tanong ko. At dahil nagsisimulang uminit ang ulo ko, hindi ako nagdalawang-isip sipain siya sa binti. Hindi ko rin pinalampas ang kabila.

"What is wrong with you?!" tanong niyang humahakbang palayo sa'kin dahil sinusuntok ko na siya ngayon sa dibdib. Kinuha ko ang unan malapit sa'kin at itinapon iyon sa pagmumukha niya.

"Yes, okay? Yes!" sabi niya nang hawakan ako sa magkabilang braso't halos ikulong sa bisig niya nang hindi pa rin ako tumitigil kahit naibigay na niya ang sagot na kailangan ko.

APHRODITE (Greek Myth Series #1)Where stories live. Discover now