Kabanata 13: Gusto

9 3 90
                                    

"Takot ang namamayani
Pag-alala hindi maikubli
Kagulat-gulat man ang nangyayari
Hindi parin maitatanggi"

--□♤□--

Dali-dali kaming nagpunta sa ospital. Kung tutuusin ay hindi lang pala si Tadeo ang nadamay ng pagsabog.

Nang makarating kami sa ospital ay marami ang nagkakagulo, madaming sundalong Hapon ang malala ang kalagayan, marami ding normal na mamamayan lang, at halos magsuka na ang ospital sa dami ng tao. Halos magkabuhol-buhol ang bawat tunog na hindi ko maintindihan.

Agad naman kaming nagtanong sa isang nurse at tinuro nito kung nasaan, marahil sinabi namin ang pangalan ni Don Mariano kaya't agad na nasabi sa akin kung nasaan sila.

Nagpalinga-linga pa kami, hindi naman sinabi sa amin ng nurse kung saan ang eksaktong lokasyon, sa halip ay sinabi lamang niya sa amin kung saan maaaring matagpuan.

Sa kumpol-kumpol na taong animo'y langgam, nahirapan din kaming mahanap sila Tadeo at Don Mariano. Ilang minuto din kaming sumisid bago namin nakita si Don Mariano na nakatayo sa gilid ng isang kama.

"Ama!" Sigaw ni Lorenzo at nagmamadaling lumapit. Niyakap niya agad si Don Mariano at sumunod si Isla. "Seriously guys, how the fuck can you stand him? Ang sama ng ugali pero parang mahal niyo parin? Bat ganto ang character design ko sa inyo? I'm quite disappointed ha!"

Nang mayakap nila si Don Mariano ay nakita ko ang pagbabago ng kanyang mga mata, naging normal ito mula sa pagiging letra, isa parin ito sa mga misteryong hindi ko alam ang kasagutan. Binaling naman niya ang kanyang paningin sa akin, nakita ko ang takot sa kanyang mga mata, mga panghihinayang, ang mga matang nagsisisi. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero ganoon ang naging tingin niya sa akin. Sobrang gaan ng kanyang tingin, at mayroon pang mga luhang nagbabadyang malaglag sa dulo ng kanyang mga mata.

"Ano pong nangyari ama?" Nag-aalalang tanong ni Lorenzo at agad na binaling ang tingin ang tingin kay Tadeo na walang malay. Patuloy parin ang paglalakad ng ilang tao at ang ingay ng mga ito.

"Nagkaroon ng kaguluhan, mayroong mga rebelde na nagpasabog sa harap ng munisipyo. Naiwan si Tadeo sa labas, nadamay siya." Pag-sagot ni Don Mariano kay Lorenzo.

"Mga rebelde?" Mahinang tanong muli ni Lorenzo.

"Kilusan." Simpleng sagot muli ni Don Mariano.

"Mabuti na lamang po at walang nangyaring masama sa inyo." Nag-aalalang sambit ni Isla. Tiningnan niya si Tadeo na mayroong benda ang kaliwang kamay niya.

Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari, bakit naman magpapa-sabog ang mga rebelde? Hindi ba't ipinaglalaban nila ang kalayaan ng sambayanan? Sino ang nagpasabog? Sila Aurea? Bakit?

"Umuwi na muna tayo mga anak." Sambit naman ni Don Mariano.

"Ngunit sinong magbabantay kay Tadeo?" Pagtatanong ni Lorenzo. "Umuna na kayo ama. Magpapa-iwan na lamang ako dito." Mungkahi ni Don Mariano.

"Ako din po, ama. Dito na muna ako." Dagdag ko. Hindi ko gustong magbantay pero, mas gusto kong malinawan.

Nagtatakang napatingin naman si Don Mariano kay Isla, ganoon din ang mukha ni Isla.

"Bueno, tutal ay parang kapatid niyo na rin naman si Tadeo, naiintindihan ko. Uuna na kami ni Isla. Umuwi nalang kayo mamaya. Magpapadala ako ng isang kasambahay mamaya." Nginitian niya lamang kami ng magaan at umalis na sila ni Isla.

Nang tuluyan na silang maka-alis ay agad namang naupo sa upuan sa gilid si Lorenzo. Nakita kong tinanggal niya ang kanyang supt na salamin at pinunasan ito. Nakita kong hinilot niya ang kanyang noo. Kita ko ang pagkabigo sa kanyang mukha.

Bala at PlumaWhere stories live. Discover now