Kabanata 12: Lalim ng Gabi

15 3 108
                                    

Hindi kapanipanibago
Mga katanungan sa isipan ko
Hindi kapanipanibago
Na masagot ko ang ilan dito

--□♤□--

Tinitigan ako ni Aurea, malikot ang kanyang mga mata at sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita ko ang takot sa mga mata niya. Kasabay noon ang pagbilis ng tibok ng puso ko, kasabay din noon ay ang mabilis na paglapit ng mga yabag ng mga Hapon sa amin, bawat segundong lumilipas ay palapit nang palapit. Sa bawat segundong nauubos ay paliit din nang laliit ang tyansa namin.

"Ano nang gagawin natin?" Pagtatanong ko sa kanya. Nararamdaman ko ang labog ng dibdib ko, ganoon din ang kanya. Hinabol din niya ang kanyang hininga bago ngumiti at nagsalita. "Isipin mo nalang na para ito sa bayan mo."

"Ah-ano—" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang maramdaman ko ang pagdampi ng mapuputla niyang labi sa aking mga labi, na animo'y mga bulak na nagbanggaan, hindi madiin, kundi magaan. Hindi ito ang unang pagkakataon na nahalikan ako, ngunit ganon ang nararamdaman ko, tipong ang halik na ito ang pinaka-una,at sa kabila noon, itong halik na namagitan sa amin ay unti-unting nagkakaroon ng espasyo at nauukit sa mga labi ko. Ang tamis na naiwan ng kanyang mga labi sa akin, ang naiwan niyang sensasyon na nakaka-kuryente.

Hindi ko alam ngunit, hindi ko ginustong tumigil. Hindi ko ginustong humiwalay ang labi niya sa labi ko, ninais kong malagutan ng hininga sa posisyong iyon.

Narinig ko ang pagdating ng mga Hapon, kung tutuusin ay nakita ko ang isa sa kanila, nakita din ako ng isang iyon. At kusang gumalaw ang katawan ko, hinila ko ang bewang niya papalapit sa akin at sinagot ang mga halik niya, na naramdaman kong kanya ring ginawa. Nang makalayo ang mga Hapon ay agad humiwalay si Aurea.

Itinulak niya ako papunta sa pader at nagsalita, "Umalis ka na, Francisco. Bakit ka ba nandito? Bakit ka lumabas?" Pagtatanong niya sakin.

Hindi ako makapag-salita, hindi ako makagalaw. Nanghihina ang mga buto ko sa paa, nanghihina ako sa ginawa ni Aurea.

"Tutal ay nandito ka na rin naman, wag ka na munang pumunta sa El Mensahero. Aalis na ako." Sambit niya at akmang lalakad na palayo nang bigla kong hinawakan ang kamay niya.

"Sandali, Aurea." Nang lingunin niya ako ay bumilis ang tibok ng puso ko.

"Ginoo, hindi ako maaaring magtagal." Hinigpitan ko lalo ang pagkaka-hawak ko sa mga kamay niya.

"Anong nangyayari dito? Bakit—may alam ka ba? Ha? Sa mga nangyayari?" Tanong ko sa kanya.

"Ginoo, umalis ka na, bumalik ka na. Masyadong delikado dito." Sambit niya sakin at hinila na ang kamay niya mula sa pagkaka-hawak ko.

"Pero Aurea—"

"Mag-ingat ka ginoo." Sambit niya bago itinali muli ang kanyang buhok at tumakbo paalis sa aking paningin. Nagdaan ang ilang sasakyan pati na rin ang ilang kalesa at tao nang tuluyan siyang mawala sa aking paningin.

"Aurea, anong nangyayari? Para san ang lahat ng ito?" Mga salitang gusto ko sanang sabihin.

--□♤□--

"Ginoong Francisco!" Bati sa akin ni Tadeo. Naglakad ako pabalik sa simbahan. Agad ko naman siyang nilingon.

Nasa may harapan kami at nakita ko naman sa kanyang likuran sila ama. Lumapit agad sa akin si Tadeo at nagsalita si Don Mariano. "SAAN KA BA NAGPUNTA FRANCISCO? PUNYETA!"

Lumapit siya sakin at hinawakan ang kwelyo ko. "Ama!" Singhap ni Isla.

"¿Sabes lo que hiciste? nos has preocupado! ¡Y vergonzoso para la familia de Don Leonardo! ¡No puedo entender qué tonterías se te metieron en el cuello! Alam mo ba ang ginawa mo? pinag-alala mo kami! At nakakahiya sa pamilya ni Don Leonardo! Hindi ko maintindihan kung anong katarantaduhan ang pumasok dyan sa kokote mo!" Sambit niya at binitawan ako.

Bala at PlumaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon