Kabanata 5: Karagdagang Misteryo

18 7 46
                                    

Sa pamamalagi ko sa mundong ito
Katanungan ko ay hindi maubos-ubos
Ilang araw na akong nalilito
At kaunti nalang ay susuko na ako

Bawat desisyon ko
Bawat tahak ng daan
Karagdagang misteryo ang bungad

--□♤□--

Sa pagsakit ng ulo ko ay isa-isang nagpakita ang mga ala-ala ko sa mundong kinalakhan ko. Isa-isa silang nagpakita na parang isang slideshow sa aking isipan. Lahat-lahat, kahit mga ala-alang gusto ko nang kalimutan ay nakita ko at parang bangungot na nakahabol sa akin.

"Francisco?" Mahinang tawag ng isang tinig ng babae na nagmumula sa pinaggalingan ko kanina.

Agad namang umalis aa pagkakasandal sa akin si Aurea at nag-salita bago umalis. "Bukas ng tanghali." Seryoso ang kanyang mukha. "Magkita tayo sa paimprintahan ng diyaryo sa may plaza." Yun lamang ang sinabi niya at agad nang umalis.

"Francisco?" Palapit ng palapit, palakas ng palakas ang boses ng babae hanggang sa makita ko kung sino ang tumatawag sa pangalan ko. Nabigla siya nang makita niya ako sa gilid na nakasandal.

"Nandyan ka pala." Matawa-tawang sabi sakin ni Liliana, lalong nagpapaganda sa kanya ang masigla niyang mga mata, ang maliit at matangos niyang ilong, at ang kanyang mga labi na kakulay ng malalam na rosas. "Kanina ka pa namin hinahanap, akala namin ay kung napano ka na." Dagdag niya at hinawakan ang braso niyang kulay natural.

"Kinailangan kong magpa-hangin." Sagot ko. "I don't even know if what i'm saying is right or not."

"Ganoon ba?" Tanong niya sakin. Nabuo ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. At napansin ko na may hawak akong sigarilyo. "At kailan ko pa hawak ito?"

"Gusto mo bang maglakad sa hardin?" Tanong niya sakin na nakaukit ang mga ngiti sa kanyang mga labi.

"Of course not, sa pagkaka-alam ko pag nakita tayong magkasama isang kahihiyan yon. What is she even thinking?"

Humithit ako ng sigarilyo, naramdaman ko ang lamig ng usok nito sa lalamunan ko, at sa paghinga ko ay nagsalita ako. "Kung iyan ang gusto mo binibini." Nginitian ko siya. "Pero sandali! Bakit ko sinabi yon?"

Agad naman kaming naglakad at naramdaman kong wala akong kontrol sa katawan ko. Patuloy lang sa paglalakad ang mga paa ko na akala mo'y may sariling isip, ngunit hindi ito pilit, hindi din pigil ang bawat hakbang na ginagawa ko ay parang nakatakda at hindi na kayang pigilan pa. Sinubukan ko ring huminto pero walang nangyayari.

"Nais mo ba talagang tayo'y magpakasal?" Pagtatanong niya sakin habang kami'y naglalakad sa ilalim ng liwanag ng buwan. Sa lalim ng gabi ay ramdam mo na ang katahimikan kasama ang lamig ng simoy ng hangin na nararamdaman na ng aking mga buto.

"Hindi ko alam. Ngunit binibini..." Huminto ako sa paglalakad, nasa tapat kami ng isang fountain at ang lagaslas ng tubig, mga huni ng ibon, at ang mababaw na ingay ng tao na nagmumula sa loob ng bahay ang tanging maririnig. "Laging mong aalalahanin na, ano man ang magiging desisyon nila ay ikalulungkot o ikaliligaya ko." Ngumiti ako sa kanya, ganon din naman siya ngunit bakas na hindi buo ang pagiging masaya niya.

"What am i even saying? Sobrang cringy? At bakit ba hindi ako makapag-salita ng gusto kong sabihin?" Pagwawala ko sa loob bg aking isipan. "Wait! Sa kwento, si Liliana at si Francisco ang magkaka-tuluyan. Pero bakit hindi ko maalala ang mga mangyayari? Pero sigurado ako na sila o kami ang magkakatuluyan."

Bala at PlumaWhere stories live. Discover now