Kabanata 6: Misyon

20 6 129
                                    

"Maaring noon ako'y lito
Maaring noon ay walang sagot ang mga katanungan ko
Ngunit ngayon, alam ko na ang misyon ko."

--□♤□--

Hindi ako makapag-salita. Hindi ko alam kung tama ba ang mga sagot na nakuha ko mula kay Aurea. Pilit kong iniintindi ito ngunit tinalo pa ang mga sagot ni Aurea angbisang kwebang hindi pa nadidiskubre. Gusto ko siyang unawain, pero hindi matanggap ng utak ko.

Sa lalik ng pag-iisip ko ay hindi ko alam kung paano ako nakarating pabalik si Penderleigh Villa. Ito ang tawag sa lupang nasasakupan namin. Tama lamang ang laki nito. Mayroon din kaming maliit na sakahan at mayroon din kaming ilang alipin. At pagtinitingnan ko ito ngayon mula sa labas ng mga bakod ay napapa-isip ako kung Ito ba ang sinasabi ni Aurea? Kaya ba niya ako sinabihan ng ganoon?

"Dahil hindi ko akalaing kasama ka rin pala nila. Na katulad ka rin pala nila. Na isa pala ang pamilya mo sa mga tumalikod sa kapwa nila Pilipino para lang mabuhay ng masagana kasama ang mga Hapon." Huminto siya sandali at may kinuha sa kanyang bulsa. "Ito?" Iwinagayway niya ang hawak niya. "Sana masaya kayo dahil marami kayo niyan sa panahong ito." Ibinato niya sakin ang perang Hapon.

Paulit-ulit na bumabagabag sa akin ang senaryong iyon. Nakita ko sa kanyang mga mata ang hinanankit at galit. Ang mga namumuong luha sa gilid nito, ngunit ayaw malaglag dahil sa kagustuhan niyang maging matatag. Lahat ng iyon ay nakita ko.

Bago pa man ako makapasok sa bahay ay narinig kong may nabasag, dali dali naman akong tumakbo upang malaman kung anonh nangyayari, at tumambad sa aking harapan si Tadeo na nakaluhad. May pasa siya sa gilid ng labi at nakita kong nakatayo si Don Mariano, galit na galit.

"FRANCISCO!" Sigaw niya nang agad niya akong makita. Agad siyang lumapit sa akin at sinampal ako gamit ang likod ng kanang palad niya. Para akong nabingi, dahil sa sobrang lakas ng pagkakasampal niya. Wala pang ilang segundo ang lumilipas nang biglang tumulo ang mga luha sa aking mata, pati narin ang pagtulo ng dugo mula sa aking bibig.

"Hindi na ba talaga kita maasahan? Mi solicitud de usted es muy simple. Napaka-simple lamang ng hinihiling ko mula sayo. Hindi mo pa magawa ng tama! Alam mo bang napakalaking kahihiyan ang ginawa mo!? Ha!?" Sigaw niya na nakapagpadagundong sa buong bahay, at kasunod nito ay hinawakan ang kwelyo ko. Napatingin naman ako sa nanlilisik niyang mga mata. "Iniwan mo sila ng ganon-ganon lang!? At san ka nanaman nagpunta ha!? Sabihin mo nga sakin! Ano bang napasok dyan sa kokote mo at ginagawa mo ang mga bagay na ganto!? Ha!? Eres una desgracia! Isa kang kahihiyan!"

Galit ang mga mata niyang binitawan ang kwelyo ko ng malakas dahilan upang malaglag ako sa sahig. Inutusan niya si Tadeo na dalhin ako sa kwarto ko at umalis.

--□♤□--

"Patawad." Sabi ko kay Tadeo nang mai-upo na niya ko sa kama ko.

"Wala ito Ginoo. Sa laki ng utang na loob ko sa inyo, ay hindi nito mapapantayan ang lahat ng naibigay niyo sakin." Sagot niya na may mga ngiti parin sa labi.

"Seryoso ka ba?" Nainis ako sa sinabi niya, parang sobrang pinapababa niya ang sarili niya para lang sa walang kwentang si Don Mariano. "Walang kwenta yung amo mo. Hindi ka dapat nagsasabi ng ganyan. Mas importante pa ba siya kaysa sa buhay mo? Ha?" Inis kong tanong sa kanya. "Wag na wa—"

"Wag niyo pong sabihin iyan Ginoong Francisco." Kalmado niyang pagputol sa sasabihin ko. "Kung hindi po dahil kay Don Mariano, ay siguro po, patay na ako." Sambit niyang nakangiti parin, may mga luha ang kanyang mata, ngunit masaya parin. "Siguro po ay nakalimutan niyo na sa tagal nang pagkawala niyo galing sa Espanya, ngunit wag niyo pong sasabihin iyan. Utang ko sa kanya ang buhay ko." Bumuntong-hininga siya bago nagpatuloy. "Sasabihan ko nalang po si Belinda na asikasuhin ang galos sa mukha ninyo." Dagdag niya at saka umalis.

Bala at PlumaWhere stories live. Discover now