Kabanata 7: Sikretong Mundo

9 4 74
                                    

Lihim man ay kay dami
Kalayaan man ay pinagkakait
Mundong sa atin ay gustong ipilit
Mga letra ang magtatanggol at hindi hihingi ng kapalit.

--□♤□--

"Wag mo nang uulitin ang pagnanasa mo. Hindi mo ko kailangang mahalin." Tumawa siya ng mapang-asar at tinabing muli ang baril sa bulsa. "Bukas. Tayo'y magkita kung gusto mo talagang makasama sa Alyansa. Paalam."

"Aurea!" Tawag ko sa kanya at lumingon naman siyang agad. Tumaas ang isang kilay niya.

"Sino ba ang sinasabi mong gusto mong makasama?" Pagtatanong ko.

"Hindi ko kailangan ng mga bagay na yon." At doon ay nagpatuloy na siya at tinangay na siya ng kadiliman, ng mga matataas na damo, ng ulan.

Tinahak kong pabalik ang masukal na daan. Patuloy parin ang paghampas ng hangin at ulan. "Pota, may bagyo ba?"

Nang malapit ko nang marating ang bahay ay may narinig ako muling naglalakad. Napatigil ako at nagtago sa isa sa mga puno. Nakita kong ang naglalakad pala si Lorenzo. Nagmamadali siya, basang basa ng ulan, at nagmula siya sa mga puno. Patakbo na sana siya pabalik ng bahay nang parang may tumawag sa kanya kaya't bumalik siya sa gitna ng mga puno, masyadong madilim ang parteng iyon kaya't hindi ko makita kung anong nangyari, ngunit isa lang ang alam ko, hinawakan niya ang kamay ng misteryosong tao bago tuluyang umalis.

Nag-antay pa ako ng ilang minuto iniisip na baka sakaling dumaan ang misteryosong tao, ngunit bigo ako.

"Belinda!" Mahinang tawag ko kay Belinda nang makarating ako sa tapat ng bintana ng kwarto ko.

"Ginoo!" Tuwang tuwa siyang tawag sa akin at agad namang ibinato pababa ang tali. Narinig ko namang may naglalakad sa loob ng bahay. Kaya't agad-agad kong inakyat ang tali. Nang maka-akyat ako ay hinila ko agad ang tali at nagbukas naman ang ilaw sa ibaba.

Napaupo at napasandal ako sa pader kahit na basang-basa pa ako. "Ginoo! Basang basa kayo sa ulan. Baka magkasakit kayo." Pag-aalala ni Belinda at agad na tumayo at kumuha ng pamunas.

"Ayos lang ako." Natatawa kong sagot sa kanya upang kahit papaano ay mapawi man lang ang pag-aalala niya.

"Hindi kayo maaaring magkasakit ginoo." Sambit niya at umiling iling siya bilang bago nagpatuloy. "Pag kayo po ay nagkasakit, mahihirapan kayo. Ayoko pong nakikita kayong nahihirapan. Katulad nalang noong namatay ang inyong ina." Sambit niya at umupo upang punasan ako.

Nang makapagpalit na ako ay natulog na ako, iniwan na din ako ni Belinda at nagpahinga na. Hindi ko alam kung bakit pero nakakaramdam ako ng kagalakan pag-iniisip kong magkikita kami ni Aurea. Marahil siya lang kasi ang namumukhaan ko at wala nang iba.

--□♤□--

Unti-unting sumakit ang mga kamay ko habang ako'y natutulog, sa totoo lang? Ito ang nagpagising sakin. Nakita kong pataas na ang araw ngunit patuloy parin ang pag-ulan, maaring ilang minuto nalang ay magigising na ang mga tao sa bahay.

Napaupo ako mula sa pagkakahiga at nawalan din ako ng pandinig at kasabay nito ay ang ilang eksenang magkakahalo. Kung paano namatay ang ina ni Francisco, at pati na rin ang isang eksena. Kasama ko si Aurea nasa malayo lamang kami at nagmamasid, nakita namin na kinakaladkad ang ilang kababaihan na tinago ng isang padre sa loob ng simbahan. Kinaladkad din ang padre ng isang Hapon, lalapit sana si Aurea ngunit pinigilan ko siya.

At doon naputol ang eksena. Sa pag-pigil ko kay Aurea. Unti-unti ding nawawala ang sakit ng mga kamay ko, unti-unti ring nagbalik ang pandinig ko. "Ginoong Francisco. Ayos lang po ba kayo?" Nag-aalalang boses ni Belinda ang una kong narinig pati na rin ang ilang patak ng mahinang ulan. "Ginoo." Mahinang yuyog sa akin ni Belinda.

Bala at PlumaWhere stories live. Discover now