Ika-Pitong Kabanata

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi nagtagal ay napabagsak ko rin silang lahat at halos matumba na ako sa kinakatayuan ko dahil sa matinding pagod. Ramdam ko rin ang walang tigil ng pagtagaktak ng pawis sa aking noo at ang pangangawit ng aking kamay. Puro dugo at sugat na rin ang makikita sa ilang bahagi ng aking katawan.

Nagawa kong dapuan ng tingin ang hari at hindi maitatago sa mukha nito ang matinding takot at kaba nang magtama ang aming mga mata.

Humakbang ako ng ilang pulgada at balak na sanang sugudin siya, subalit ako'y napatigil at napangiwi nang may maramdaman akong matinding hapdi sa aking tagiliran. Sa kagustuhang malaman ito ay nagawa ko itong tingnan at doon ko na napagtanto na may malaking sugat pala akong natamo at wala itong tigil sa pag-agas ng dugo.

Tinignan ko ulit si Haring Sejoong at may hawak na itong espada at kasulukuyang itinutok sa aking direksyon. Napakagat ako ng labi nang aking binalik ang aking tingin sa aking sugat at sa kagustuhang mapigilan ang pag-agas ng dugo nito ay nagawa kong punitin ang dulo ng aking damit at bahagyang pinulupot at itinali sa aking tiyan. May nakita akong espada sa lupa na pagmamay-ari no'ng nakalaban ko kanina. Nagawa ko iyon damputin at tumingin ulit sa direksyon ng hari.

Huminga ako ng malalim at kasabay ng pagbuga ko ng hangin ang siyang kaugara kong pagsugod. Naalarma ang hari sa aking ginawa at kaagad na sinangga ang kaniyang espada sa aking espada upang maprotektahan ang sarili. Buong pwersa ko siyang tinulak at gumawa na naman ng panibagong atake. Sa pagkakataon ring ito ay mas lalo kong binilisan ang aking galaw at hindi ininda ang sakit at hapdi na dala ng sugat sa aking tagiliran.

Tanging ilag at sangga lamang ang kaniyang ginagawa... ni hindi niya magawang umatake. Nang makahanap ako ng pagkakataon na sipain siya ay nagawa ko iyon ng buong pwersa. Kasabay ng pagtumba niya sa lupa ang siyang kaugara kong pagtakbo sa kaniyang kinaroroonan at buong lakas na inapakan ang kaniyang kamay upang mabitawan niya ang kaniyang hawak na espada. Nang ito'y mabitawan ay kaagad ko iyon sinipa palayo.

Itinutok ko sa kaniya ang espada ko at maimtim siyang tinignan. Kita ko ang umaapaw na takot sa kaniyang mga mata at ang nakasumamo niyang mukha. "Pakiusap, huwag mo kong patayin. Maawa ka."

"Maawa? Bakit? Naawa ka ba noong pinatay mo ng walang kalaban-laban ang aking mga katribo? Naawa ka ba noong pinatay mo ang aking ama?"

"Nakikiuusap ako. Huwag mo kong patayin. Kung ano man ang aking kasalanan ay handa ko iyon bayaran... handa akong magbayad kahit anong halaga."

Kumunot ang noo ko sa huli nitong sinabi. "Hindi lahat ng bagay ay kayang gamitin ang kayamanan at kapangyarihan. Buhay ang kinuha mo kaya buhay mo rin ang kukunin ko." Nang matapos ko iyon sambitin ay kaagad kong binaon ang espada sa kaniyang leeg at kasabay ng paghugot ko nito ang kaugarang pagtalsik ng kaniyang dugo sa aking mukha.

"Bagay lamang sa iyo iyan... dapat lamang sa iyo ang mamatay..."
       
          
       
"Luna..." Napakurap ako ng ilang beses at bahagyang lumingon sa aking likuran na kung saan nagmula ang boses na aking narinig. Tumamad naman sa aking paningin ang limang prinsepe na pawang nakatayo sa 'di kalayuan at bahagyang nakatingin sa aking direkyon. Kita kong nag-aantay sila ng aking sasabihin at base sa nakikita ko sa kanilang mga mukha ay parang sinusubukan nilang basahin ang aking isipan.

Binalik ko ang tingin ko sa direksyon ng hari at gaya kanina ay nakatayo lamang siya sa kaniyang pwesto at bakas sa kaniyang mukha ang matinding pagtataka nang siya'y tumingin sa akin. Sa likod nito ay nakatayo ang humigit sampung mga kawal na siyang nakabantay sa kaniya.

Bahagya kong tinignan ang aking sarili at namataan kong napakalinis ng suot kong damit. Walang bakas na dugo ang makikita... ni wala rin akong nakikitang sugat sa aking tagiliran.

Imperial ThroneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon