Chapter 2: 1 month but It's 4 months

Beginne am Anfang
                                    

"Pasensya na." Mahina kong sagot.

Halos matunaw ako sa titig nung tatlo.
Humarap ako sa kanila saka ngumiti.

Agad namang nag react si Lucas.

"Hoy Troye! Grabe ka mag salita sa girlfriend mo ha. Ano sapakan na lang oh?!" Pabirong sabi ni Lucas kaya napa tingin sakin si Troye at parang inuusisa ako.

"B-bakit?" Taka kong tanong.

"Napa sobra ata yung nilagay mong blushon?" Agad akong napa yuko. Napaka manhid niya talaga. Di niya ba alam na dahil sa kanya nagkaroon ako ganitong blushon? Tss! "Punasan mo yan. Ayokong nag bla'blushon ka diba? Mas lalo kang pumapanget." Natatawa niyang sabi.

Hinampas ko siya ng mahina.

"Troye ha!" Agad akong nag pout. Masaya na ko pag binibiro niya ko. Feeling ko kasi yun na rin ang paglalambing niya. Once na tumawa na siya, it means pwede ko rin siyang biruin.

Wala naman siyang sinabi na pag sinagot ko siya or magalit ako sa kanya eh iiwanan niya ko. Masyado lang talaga akong maingat sa mga sasabihin ko tuwing kaharap ko siya.

Since 1st year pa lang kami, sobrang crush na crush ko na siya. Naging stalker niya ko mapa facebook man or personal. Syempre, since 1st year pa lang kami sikat na talaga tong si Troye. Pero nakilala niya lang ako ngayong 4th year na kami.

Ganito kasi nangyari,

.

.

..................F L A S H B A C K....................

Sinundan namin ni Kath si Troye papuntang LTR Resto Bar. Silang tatlo nina Lucas at Reid ang may-ari nito. Trip lang daw nilang mag manage ng resto bar para pag summer hindi daw masyadong boring. Since first saturday night of June today, andito silang tatlo, nagpunta na rin kaming dalawa ni Kath. Marami ring mga taga school namin ang nag pupunta rito. Syempre, yung tatlong popular boys ng school namin yung owner nitong resto eh. Kunwari nag punta ako rito para support na rin sa pinsan kong si Lucas. Pero ang totoo, nag punta talaga ako dito para kay Troye.

So ganito na nga, para maka pasok ako sa VIP room ng di ako mapapansin ni Lucas or ni Reid, at para di ako makita nina Lucas na naka sunod ako kay Troye, lalapitan ni Kath sina Lucas at Reid para malibang ito at di nila ako mapansin pag dumaan ako papuntang VIP room. Mapansin man ako ni Lucas, wala rin siyang magagawa. Supportive kaya sakin yang pinsan ko. Hehe

Pwede naman akong pumasok sa VIP room pag kasama ko nga lang si Lucas.

Sinundan ko si Troye hanggang sa makapasok na siya sa VIP room.

Pumasok rin ako at nagtago sa likod ng malaking couch.

Im not sure if napansin niya kong pumasok. Hindi naman siguro dahil busy siya sa phone niya.

Ilang sandali pa, dumating na rin yung inaantay ni Troye.

Halos mabiyak ang puso ko ng malaman kong yung ex niya pala ang kikitain niya dito.

Pero mas lalong na durog yung puso ko ng marinig kong nagmama-kaawa siya sa ex niya na balikan siya pero tinawanan lang siya saka iniwan na siya.

Napa sandal na lang ako ng umalis na yung ex ni Troye.

"Hey you! Wag ka na ngang mag tago jan." Napalingon agad ako at SHOCKS! Nakita niya na pala ako?

"E-ehhhh..........a-ahm.......h-hi T-troye." Alam kong pabebe ako sa oras na to. Eh. Nakakahiya kasi. Nahuli niya ako.

"Ugali mo ba talagang makinig sa usapan ng may usapan?" Inis niyang tanong. Sasagot na sana ako ng bigla niya kong unahan.

Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt