10 - Wits for Life (Last Part)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Alam naman nating lahat 'to," tila tinatamad na sabi naman ni Hailey. Siya na mismo ang sumagot sa tanong. "Engineer."



Wala ng nagsalita pa dahil lahat sila ay siguradong tama ang naging sagot ng dating Student Council Secretary. Muli, naging kulay green ang screen sa ibabaw ng stage at bumukas ang double doors ng Louie's Hall.



"Go, Hailey," ani Kingsley saka isinenyas ang pinto sa dalaga. Wala din namang umangal at tila ipinagkatiwala na sa dating Student Council President ang pagpili ng kung sino ang lalabas sa bawat tanong na masasagot.



"I-It's okay," ani Hailey, bahagyang umiiling. "Anybody could've answered that question anyway. Unahin na natin sina Lia."



"Puro lalaki ang madadatnan niya sa labas at wala ni isa ang malapit sa kanya," paliwanag ni Kingsley. "Kaklase mo si Paul at kaibigan mo si Noah."



"P-Paano kayo?"



"I'll be sending Lia and Ella out next." Bumuntong hininga si Kingsley at ngumiti. "I trust that you'll take responsibility for them."



Sandaling tumitig lamang si Hailey sa mga mata ng dating Student Council President, bakas pa din ang pagtutol sa kanyang mukha. Sa huli, wala din siyang nagawa kung hindi ang lumabas.



"She seems to have a high sense of responsibility despite her attitude," nakangiting komento ni Lia habang nakatingin sa pintong unti-unti ng nagsasara.



Sumilay din ang isang proud na ngiti sa mga labi ni Kingsley. Tipid siyang tumango.



Muling umalingawngaw ang pamilyar na tunog ng tila doorbell at nag-flash sa screen ang kasunod na tanong. Sabay na napabuntong hininga sina Ally at Vince.



| Which is correct to say: "The yolk of the egg is white" or "The yolk of the egg are white?" |



"Egg yolks are fucking yellow!" inis na sigaw ni Vince.



Bumukas ang pinto at sinenyasan na lamang ni Kingsley si Lia na lumabas. Mabilis naman na tinabihan ni Ally si Ella.



"Why the fuck are we being asked such a ridiculous question?!" inis pa ring sigaw ni Vince.



"Calm down," kalmadong sabi ni Kingsley sa binata. "Let's be thankful that we are given questions that we can answer."



"But this doesn't make any sense!" Hindi nagbago ang tono ni Vince. "We are being challenged. Where's the challenge in a question about the color of a fucking egg yolk?"



"It's a tricky question."



"For an elementary kid." Sarkastikong tumango-tango pa si Vince.



"It's like some questions were purposely made to be boring," sabi naman ni Ally. "It's like-"



Hindi na naituloy pa ng dalaga ang sinasabi noong muling narinig ang tunog na hudyat ng pagkaka-display ng panibagong tanong sa screen.



"Like this one?" tanong ni Kingsley, tinutukoy ang kasalukuyang tanong at ang sinasabi ni Ally na sinadyang maging 'boring'.



| If I have it, I don't share it. |
| If I share it, I don't have it. |



Last Day at St. LouieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon