Halos mamutla ako ng marinig ang boses ng kaninang bata na kasama namin. Nilingon ko siya at nakitang nandoon siya at nakatayo sa may puwesto ko kanina.

"Mag didilim na po, delikado po kasing tumawid ng tulay kapag madilim. Muka po kayong walang balak na tumawid kanina kaya pinuntahan ko na po kayo," mahabang paliwanag niya.

Sumubsob ako sa dibdib ni Vio dahil sa hiya, nakita pa ng bata ang ginagawa namin. Natawa si Vio sa ginawa ko at ibinaba ako. Hindi ako makatingin sa kanilang dalawa at nanatiling nakayuko lang at nakatingin sa mga paa ko.

"Sige, pasensiya. Susunod na rin kami," saad ni Vio.

"Sige po! Tama na po ang kiss," sambit ng bata bago naglakad paalis.

Mas lalo akong nahiya dahil doon. Samantalang si Vio ay may lakas pang tumawa sa sinabi ng bata. Malakas ko siyang hinampas sa dibdib na ikinatigil niya.

"Malandi ka kasi!" singhal ko bago nag martsa paalis, pasunod sa bata.

"Mahilig ka naman!" nahinto ako ng sumigaw siya.

Inis ko siyang nilingon. "Anong sabi mo?!"

Naglakad siya papalapit saka muling sumigaw. "Mahilig kang mag palandi!"

Suminghap ako. "Siraulo!" sigaw ko at saka hindi na siya pinansin.

Nang makarating sa may tulay ay nandoon na sa dulo ng tulay ang mga bata at naghihintay sa amin. Natulos ang paa ko ng makita ang kabuuan ng tulay, gawa lang ito sa may lubid at kahoy. Gumagalaw kapag inaapakan, mabilis akong umatras ng pag-apak ko ay gumalaw ito.

"Ate! Tumawid ka na po!" sigaw ng mga bata.

Tinignan ko ang kahoy na dapat apakan. Gusto kong umuwi na lang at huwag na tumuloy nakakatakot humakbang dahil baka bigla na lang akong mahulog.

"Natatakot ka?"

Napatalon ako at napatili ng may magsalita malapit sa tainga ko. Nilingon ko 'yon at mabilis na binatukan si Vio.

"Gago ka nagulat ako!" inis kong sabi.

Nakanguso siyang humawak sa batok. "Makabatok wagas?" sinamaan niya ako ng tingin.

Nagkibit balikat ako. "Nagulat ako e."

"Natatakot ka nga?" muli niyang tanong.

Umiling ako. "Bakit naman ako matatakot?"

Umismid siya. "Sige mauuna na ako," saad niya at saka humakbang sa tulay.

Gulat akong nakatingin sa kaniya na diretso lang ang lakad hindi man lang natatakot sa tulay. Muli ay pinilit kong humakbang ngunit katulad kanina ay umatras lang ulit ako. Tinignan ko si Vio na ngayon ay malapit na sa gitna.

"Vio!" tawag ko.

Lumingon siya. Napakamot ako sa ulo at tipid na ngumiti. "A-ano, hintayin mo naman ako."

Tumango siya. "Sige, hihintayin kita dito," sagot niya.

Nanlaki ang mata ko. "Ha? Ano dito na lang. Bumalik ka dito."

Nagsalubong ang kilay niya habang nakatingin sa akin. Bumuga ako ng hangin at nag pa-paawang tumingin sa kaniya. "Kasi ano... ano natatakot ako."

Gusto kong mahiya dahil kanina ay nagtatapang-tapangan pa ako. Hindi siya sumagot at ganoon pa din ang tingin sa akin. "Bilisan mo na, gabi na oh," sigaw ko pa.

Gulat ako ng malakas siyang tumawa habang nakahawak sa tiyan niya. Napapamura pa siya minsan. Hindi makapaniwalang tinignan ko siya. Pinagtatawanan ba niya ako?

Damn Good Friends (Hide Series #1)Where stories live. Discover now