"Ah, yeah! Sige, see you." Sabi ko at parang wala ako sa aking sarili. Nag-play kasi sa utak ko yung ngiti niya kanina. Tumabi ako sa side para maka-daan siya, tumalikod ito at nag-wave kami sa isa't isa bago ako tuluyang umakyat.

Pag-akyat ko ay sumilip ako sa baba para tignan kung nandyan pa siya. At oo, si Marge ang kausap nito na tumatawa pa. Nahuhulaan ko na 'tong pinag-uusapan nila dahil inaasar pa si Jho. Siguro nakita niya yung eksena kanina. Issue nanaman 'to.

Natapos din ang mabigat kong last class at pauwi na akong Dorm para kunin ang pang-training. Huminga ako ng maluwag dahil wala si Jia, siguro nauna. Paglabas ko ng room ay kasabay din ang paglabas ni Jho at Marge sa kanilang kwarto.

"Hi!" Sabi ko at dumako ang aking tingin kay Jho na ngumiti. Para ba akong na-hypnotize sa ngiti niya, muli nanaman akong natulala pero agad bumalik sa wisyo.

"Ano, tara na?" Aya nila at tumango ako.

Ang weird pala kapag iba ang kasama mo. Hindi naman sa naiilang kaso mas sanay akong kasama si Jia. Sabi nga ni Ate Amy para daw kaming may sariling mundo, laging magkasama tas pag nag-uusap hindi na mamamansin ng ibang tao unless na magkukusa siyang mag-interrupt sa amin. Nakakatawa at nakakalungkot din isipin dahil iba na ngayon, hindi na kami magkasama at pareho pang malayo ang loob sa isa't isa. Hindi ko masisisi si Jia dahil ako ang puno't dulo ng lahat, kung naging ma-ingat sana ako edi sana close pa kami. Ibig sabihin, kailangan kong masanay na wala siya sa tabi ko. For the good din yun.

Sana nga magawa ko.

--

Pagdating ng Gym, usual routine pero may nagbago na. Nakakaloka lang. Wala na yung sweet moments namin ni Jia. Noon, pag-pasok palang puro asar na matatanggap namin dahil parang mag-jowa nga kami. How I wished na Reality ang lahat, kaso hanggang dun lang kami.

Sa dami ng iniisip ko ngayon ay mababaliw na ako. Epekto nga ni Jia sa akin, ang laking kawalan niya sa akin. Tipong kalahati ng buhay ko yung biglang mawala? Ang lala nun, sobra. Tapos lagi ko siyang kinekwento sa magulang ko. Oo, alam na nila tsaka tuwang tuwa pa nang makita picture namin sa Christmas Party. Sabi ni Mommy, gusto niyang makita ulit si Jia anytime soon.

Inisip ko nga kung pano ko ipapaliwanag sa kanila ang mga nangyayari ngayon. Hindi nila alam na basted ako. Haha! But I'll tell them, ayoko lang kasi na magalit sila kay Jia. Siyempre pag nalaman nilang sinampal ako sa Dugout that day, mag-alburoto yun sila lalo na si Daddy.

Yung puso ko parang tumatakbo, se-setan kasi ako ni Jia ng bola at lalo sila nakatingin sa akin. Yung pawis ko lumamig din. Ramdam rin ang pag-nginig ng katawan ko.

"Power! Power!"

Ayan si Coach Tai, nag-signal na. Kinolekta ko lahat aking lakas at pilit i-focus ang mata sa bola. Mahirap kayang ma-distract. Alam niyo naman si Jia, maganda kahit pawis... baka ma-halikan ko nanaman.

PAK!

Tulad nga ng sabi ko, I kept my eyes on the ball. And yes, bumaon yung bola. Kaso lang... mali yung talon ko, I accidentally twisted my ankle. Sinubukan kong tumayo using my left foot nang makaramdam ako na humawak sa braso ko.

When I gazed to my left, it was Jho who assisted me. Then sa right, si Jia.

Ang bilis ng pangyayari, unti kong naramdaman ang sakit kasi nawawala yung adrenaline rush. Hindi ko alam kung ano nangyari kay Jia at tinulungan niya akong i-dala sa bench.

"Jia, ako na dito." Sabi ni Jho at umupo sa tabi ko, pero hindi umalis si Jia.

"Ako na lang, Jho." Jia insisted.

"It's okay, ako ng bahala dito." Jho said at tumango si Jia tapos dahan dahan tumalikod at bumalik sa court.

I watched Jho as she attended to my ankle, nakita ko yung pag-alala sa mukha niya. Actually, I observed her kanina nung patalon ako. Natatakot yung expression niya, parang alam na magkaka-injury ko from that spike.

I looked at Jia and she was looking at Jho pero hindi sa akin. I can't explain her face. It's as if she is sad or frustrated or iritated. Feel kong gusto niya na siya ang mag-attend sa akin. Ni hindi pa siya maka-focus sa susunod na mag-spike, which is Ate Ly dahil pa-sulyap sulyap siya at our side. Net block tuloy yung spike niya kasi mababa masyado yung set. She apologized naman kaagad and Ate Ly finally gets a cross court hit. But Jia looked at our direction again after setting.

I slung the bag on my shoulder and saw Jho going out of the shower room. Her worried face returned and checked if my right ankle is okay, then returned her attention to me.

"Kinabahan ka kanina, don't get me wrong."

I laughed, magaling din ito mag-observe, "Alam mo naman." I said and smiled. She quietly observed my injured ankle and nodded, "Hindi mo ba kasabay sina Marge?" I randomly asked.

She shook her head, "No, kakain pa kasi sila... ulit." She chuckled, "Ano, kaya mo ba yan? Alalayan na kita, medyo malayo pa ang lalakarin natin." Nahiya ako bigla sa kanya. The fact that this was her first time to actually assist me ay nakakapanibago. She gave me my walking stick, "Don't be shy, hindi ako mangangain." I chuckled on that, pumayag na ako and sabay kaming lumabas ng BEG.

Nasa kalagitnaan na kami ng paglalakad when I spoke, "Thank nga pala, Jho." I started and she smiled, "Nahihiya ako sa'yo eh, kaya ko naman mag-isa."

"Ano ka ba, teammate kita kaya tutulungan ka namin."

"Thank you talaga." Pag-ulit ko at ngumiti lang siya sa akin.

Inalalayan niya ako hanggang sa tapat ng kwarto namin. Okay na ako kahit sa floor lang pero nagpumilit siya. Nakakahiya rin tumanggi at na-appreciate ko ang concern kaya pumayag ako.

As usual, awkward ang environment dito sa room namin. Gizelle and Kim and busy talking while doing some papers. Jia is doing her readings at ako rin naman. Napansin ata nung dalawa ang labis na katahimikan kaya nagparinig.

"Sana'y huwag mong isipin na pag-ibig ko'y di tunay, dahil sa 'yo lang nadama ang isang pag-ibig na walang kapantay." Biglang kanta ni Gizelle. Mga baliw, with matching hand gestures pa. Bumalik ang tingin ko sa aking libro at tinuloy ang pagbabasa nang kumanta si Kim.

"Nguni't masasaktan lang kung puso ang pagbibigyan, kahit pamamaalam ang siyang bulong ng isipan." Ewan ko kung nagpapatama yung dalawa o sadyang nantitrip lang, sakto kasi sa nararamdaman ko at nag-flashback sa akin yung mga eksena. Patago akong tumingin kay Jia at wala akong reaksyon na nakita, masyado siyang busy sa pagbabasa.

"Paalam na, aking mahal. Kay hirap sabihin. Paalam na, aking mahal. Kay hirap isipin na kahit nagmamahalan pa." Magkasabay na kinanta nung dalawa tapos kita sa aking peripheral vision na tumitingin sila sa amin. Hindi na ako halos maka-concentrate sa binabasa dahil sa mensahe nung kanta, ramdam ko yung hinagpis tsaka pananakit.

'Di ko namalayan ang tumulong luha sa aking mata hanggang sa makita ko ang patak sa pahina ng libro. Mabuti na't hindi halata dahil nakatagilid ako habang nagbabasa. Hindi ako yung taong nagpapakita ng emosyon, laging tago yung kalungkutan ko. Kina Therese lang ako huling umiyak, sila kasi ang nakakaintindi sa akin.

Akala ko tapos na yung kantahan nilang may patama. Sinundan, "Puso't isipa'y magkaiba. Maaring 'di lang laan sa isa't isa." Tas tumigil, pinunasan ko ang aking luha at sinilip si Jia, nagbabasa parin.

MineWhere stories live. Discover now