"Ikukuha kita ng bandaid."

Mabilis siyang kumilos at tatayo na sana nang pigilan ko.

" 'Wag na Ken, ako nalang." Saad ko at tuluyang umalis sa harapan niya.

Ilang araw pa ang lumipas matapos ang pangyayaring 'yon at patuloy at walang tigil pa rin ang ginagawa namin araw araw hanggang sa dumating na nga ang pinakahinihintay ng lahat.

"Guys, ayusin niyo na ang dapat ayusin for tommorow's event, para hindi masyadong marami ang gagawin. We need to be here as early as possible para makapag last prepations!"

I don't know but I feel excited for tommorow's event kahit medyo maulan ngayong month ay okay pa rin kasi natutuwa naman ako sa mga mangyayari. Hindi ko lang alam kung anong mangyayari bukas lalo pa't may bagyo raw, sana naman hindi makaabala sa kasiyahan ng lahat.

"Ellie, samahan mo ako bukas sa bahay ah , kunin natin ang foods. Medyo marami kasi akong dala kaya lahat nalang tayo pupunta roon at magtulong tulong." Tumango ako sa sinabi ni Dina.

I was overjoyed not thinking how am I about to go home when it's almost evening right now, baka mahirapan na naman ako nitong makauwi ngayon. May apartment naman kasi si Jasmine kaya hindi ko siya makakasabay pag uwi ngayon.

Kahit kinabahan at namomoblema ay hinawa ko pa rin ang trabaho ko para matapos na't makauwi ako. Papayagan naman ata ako kapag natapos ko na 'to. Biglang tumawag si mama kaya kinakabahan ko itong sinagot dahil pakiramdam ko ay alam ko na ang sasabihin niya.

[ 'Wag kang aalis diyan. Papunta na kami, susunduin kita.]

Napahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi niya. I felt relieved when she called to fetch me, now I can use my time without thinking something.

"Ellie, hindi ka ba uuwi?"

I was checking the pictures on the cartolina to be posted at the wall when Jasmine came to ask me. I just shook my head becuse I'm too focused with the counting, I might answer her before I finished this one.

"Anong oras na ba?" I lift me head to ask but unfortunately, she already left so it feels like I talked to a wind. Nilingon ko ang paligid at wala na nga talaga siya.

"6:30 na."

Napalingon ako sa katabing side ko nang magsalita si Kendrick bigla. Hindi ako nakasagot pero nagsalita siya ulit.

"Uwi ka na. Gabi na oh." Ngumiti siya sa 'kin nang marahan. 

Bigla nalang akong napangiti sa kanya dahil do'n. Lagi nalang kapag kailangan ko nang katanungan, siya ang sumasagot. Hindi ko alam na alam pala niyang may kalayuan ang bahay ko siguro dahil na rin mag kaibigan sila ni Jas at alam niyang umuuwi siya sa amin.

He looked worried pero napalitan ng ngiti nang sagutin ko rin siya ng isang biro.

"Ayokong umuwi. Dito ako matutulog e." Mabuti naman at nagiging maayos na  nga siya.

I felt relieved when he talked to me like again, feels like he's really back to his true self. Nagngingitian lang kami sa isa't isa na animo'y kaming dalawa lang ang tao, naputol na lang 'yon nang may tumawag sa kanya, at iniwan ako.

Hindi pa rin nawawala ang mga ngiti ko sa labi ngunit unti unti ring bumabalik sa dati ang sarili ko. Mabait naman talaga si Kendrick at kitang kita ko 'yun, nararamdaman ko pa nga e. Ayoko lang na tinutukso ako, parang nagiging awkward e, but I guess, we're now okay, hopefully.

"Ellie, pakituro naman sa mga lalaki kung saan banda ilalagay ang mga kahoy para madikit na ang mga litrato. 'Di ba alam mo naman kung saan 'yon ilalagay?"

Too Late, EllieWhere stories live. Discover now