Chapter 5

30.9K 197 6
                                    

The Fight

"Sinabihan na kita bago pako umalis.." Galit na sigaw niya sa akin. "Hindi ka ba marunong makinig Danica?" Dagdag na singal niya sa akin. Kinakabahan man ay binaling ko sa kanya ang aking paningin.

Galit ang mga mata niya ng salubungin ko kaya mas kinabahan ako ng dahil doon. Pakiramdam ko ay sobrang laki ng ginawa kong kasalanan ng sandaling makita ko ang mata niyang galit na galit. Gustuhin ko man magsalita ay walang lumalabas sa bibig ko. Dahan dahan akong nag iwas ng tingin sa kanya at binaling ko na lang sa labas ang aking paningin.

"Danica.. face me?" makapangyarihan niyang utos sa akin ngunit hindi ko siya sinunod at sa halip at nagpanggap na walang narinig.

Hindi ko alam ngunit ang pakiramdam ko ay hinding hindi niya ako mapapatawad ng dahil lang sa ginawa kong yun. 'bakit ko ba inaalala yun..? ano bang meron sa amin?' pabuntong hininga akong umiling ng sumagi sa isip ko ang tanong na yun.

Ngunit ganun na lang ang pagsikip ng dibdib ko at gusto kong maluha ng dahil lang doon. 'what the fuck is happening to me?' tanong ko sa isip ko. Marami pang sinabi si Vladimir ngunit hindi ko na nagawang pakinggan pa yun dahil nangingibabaw ang munting kirot sa puso ko.

"Are you listening?" Bigla ay tanong niya sa akin na siyang kinatinag ko. Unti unti akong tumingin sa kanya at saktong pagbaling ko ay mas nakita ko ang galit na galit niyang mata na nakatuon na pala sa akin. Napamaang na lamang ako at magsasalita na sana ngunit walang lumalabas na ano mang salita mula sa bibig ko.

"Huh?" tanging lumabas sa bibig ko ng pilitin kong magsalita.

"I said who give you the permission to go out with those bastards?" Galit na tanong niya sa akin. Napamaang ako ng marinig ang huling salita na lumabas sa bibig niya at hindi ko iyon nagustuhan.

"There are my friends... Don't you ever dare called them bastard?" Galit kong tugon sa kanya. Tumaas ang isang kilay nya na ani mong hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Pagtatangol mo pa..? Halos halikan ka ng ng lalaking yun." Galit na singal niya sa akin.

"At ano ang tingin mo sa akin..? Basta na lang magpapahalik?" Galit na sigaw ko sa kanya. Mas hindi ko nagustuhan ang tono niya ng sabihin niya iyon.

"Yes Danica... Because you're drunk." Galit ding sigaw niya sa akin na siyang kinatinag ko. Hindi makapaniwalang umiling ako ng umiling at nagiwas ng tingin sa kanya.

Itinuon ko na lamang ulit sa bintana ang paningin ko dahil pakiramdam ko ay konti na lang ay babagsak na ang aking luha. Wala sa sariling binuksan ko ang bintana ay doon ay nilanghanghap ang hangin na dumadampi sa aking mukha. Walang paki alam kung nakabukas ang aircon sa loob.

Kumirot ang puso ko dahil sa sinabi niya at pakiramdam ko ay napaka baba ng tingin niya sa akin na ganun na lang kadaling bumigay sa isang tao. Unti unti kong naramdaman ang luha ko at agad ko iyong pinahid.

Hindi naman porke binigay ko ang sarili ko sa kanya ay ganun na ako kadaling bumigay din sa iba. Sobrang sakit ng naidulot ng simpleng salita niyang yun na pati ako ay kinakahiya na rin ang sarili ko. Wala namang nangyaring masama bukod sa hinawakan lang ni Denver ang pisngi ko pero iba na ang pagkakaintindi niya doon. Pati mga kaibigan ko ay napasama pa.

'Bullshit'

Pinahid ko ulit ang luha ko at pinigilan ang sarili na gumawa ng ingay para hindi niya malaman na umiiyak ako. Unti unti kong nararamdaman na bumabagal ang pag andar ng sasakyan pero hindi ko na lang yun pinansin at pinahid na lang ulit ang luha ko.

Ilang beses ko ng pinahid ang luha ko ngunit parang hindi humihinto sa pag agos.
Nang tuluyan ng huminto ang sasakyan ay iginala ko ang akin mata. Hindi pamilyar sa akin ang lugar na iyon sapagkat puro halaman ang nakapaligid.

"Hey.." Tawag pansin niya sa akin ngunit hindi ko siya pinakinggan at hindi inalis sa labas ang paningin ko. "Hey..?" ulit niyang tawag pansin.

"Please talk to me Danica?" Pagmamakaawa niya sa akin. Pinahid ko muna ang luhang natitira bago bumaling sa kanya.

Tiningnan ko lang siya at hindi nagsalita. Ang mga mata niya kanina na galit ay nakikitaan ko na ngayon ng pagsusumamo at parang maluluha na rin.

"I'm sorry... I didn't mean to say that baby." Paghingi niya na paumanhin. Nagbaba ako ng tingin sa kamay kong magkahawak dahil hindi ko na siya kayang tingnan.

Pakiramdam ko ay babagsak nanaman ang traydor kong luha kung ipagpapatuloy ko siyang tingnan sa mata. Kinuha niya ang isang kamay ko at hinawak niya iyon sa kanyang pisngi.

"I-I just got jealous." Utal niyang sabi. Nag angat ulit ako ng tingin at nilabanan ang kanyang paningin.

Kitang kita ko sa mga mata niya ang pagsusumamo at gusto ng lumabas ng kanyang mga luha. Pinahid niya ng paulit ulit sa pisngi niya ang kamay ko.

"Ayaw kong may ibang dumidikit sayo Danica..." Sabi niya ng hindi inaalis ang paningin sa akin. "Baby you're only mine." dagdag niya sa sinabi.

Hindi ko alam na nagsipakatakan na pala ang mga luha ko sa mata. Agad niya iyong pinahid at saka niya hinawakan ang magkabila kong pisngi.

"I'm really sorry baby... Please wag kana magalit?" Pagpapaumanhin niya. "I can't afford to loose you, that's why I'm being like this." Mahaba niyang dagdag sa sinabi.

"Bakit mo iyon sinabi..? Alam mo bang pakiramdam ko ay ang baba ng tingin mo sa akin?" Tugon ko sa kanya at napaluha na lang ulit.

"Sshhh baby I'm so sorry!" Ulit niyang paghingi ng paumanhin at pinahid ulit ang luha sa aking pisngi.

Nagbaba na lang ulit ako ng tingin sa isa kong kamay na nasa lap ko ngunit agad niya ulit inangat at itinutok sa mukha niya. Nasalubong ko ang namumula niya ng mga mata.

Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at unti unting naglapat ang mga lapi namin.
Naging malamin ang halikan namin hanggang sa naramdaman ko na ang kamay niya na naggagala sa likod ko.

Hinaplos niya ang magkabila kong braso hanggang sa mahawakan ang mga kamay ko at unti unti niyang nilagay sa kanyang batok. Binalik niya ang kamay niya sa likod ko at pinasadahan niya hanggang sa sa batok ko.

Nang matapos sa mahabang halikan ay nagkatitigan kami tsaka namutawi ang katamikan. Nagbaba ako ng tingin dahil pakiramdam ko ay namumula na ang mga pinsgi ko at parang sasabog na sa sobrang pula.

"Ayaw kong nagpupunta ka sa bar ng may kasamang lalaki bukod sa akin..? Do you understand me?" Makapangyarihan niyang utos. Napatango na lamang ako habang nasa baba parin ang paningin. " Look at me baby?" dagdag na utos niya ngunit hindi ko siya sinunod at nasa baba parin ang paningin.

"Damn it baby please talk to me?" Nagmamakaawa niyang utos sa akin saka niya inangat ulit ang mukha ko at pinagpantay ang aming mga noo. "Ayaw kong nagagalit ka sa akin... Nawawalan ako ng lakas." Dagdag na niya. Agad naman akong natawa dahil sa sinabi niyang kakornihan. Agad niyang pinaghiwalay ang mga noo namin at nagtatakang nagtaas ng kilay sa akin.

Napangiti na lang ako at saka hinawakan siya sa magkabilang pisngi at bumuntong hininga.

"Hindi ko ata kayang magalit sayo.." Bigla kong nasabi iyon na siyang kinangiti niya.
"At hindi ko rin kaya na mawala ka." dagdag kong sabi at saka dinampian ng halik ang labi niya.

"So hindi kana galit?" Tanong niya sa akin. Ngumiti muna ako bago magsalita.

"Yes... kaya mag drive kana at umuwi na tayo dahil nahihilo na ako." Natatawa kong tugon sa kanya.

Agad niyang pinaadar ang sasakyan at tahimik niya iyong minaneho hanggang sa makauwi na kami sa bahay.

...Continue

Yeahh Hi readers.. Sorry kung ngayon lang ulit but I'll do my best to finish this before ko harapin si modules😅😅 Keep supporting this story. Don't forget to Vote, comment and share guyss.

Loveyah😘❤

My Stepfather (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon