Prologue

53.1K 263 21
                                    


Mahimbing akong natutulog ng magising ako dahil sa malakas na ingay na nanggagaling sa labas pagkawari ko ay umuulan dahil sa malakas ding kulog. It was 4am in the morning noong ako ay tumingin sa wallclock. At dahil hindi na ako nakatulog ay agad akong bumangon at bumababa upang kumuha ng gatas sa ref. Habang iniinom ko iyon ay biglang nag ring ang telepono hudyat na may tumatawag.

Agad ko naman itong kinuha at itinapat sa aking tenga.

"Hello... who's this?" sabi ko

"Hi Danica baby... its me your mom..Ang aga naman ng gising ng baby ko?" masiglang tugon ni mommy sa kabilang linya.

"Mom.. I'm not a baby so don't call me that again?" inis kong tugon sa kanya.

"Oh my baby is getting older now hihi.. So kamusta ka dyan sa Pilipinas baby?" masiglang tanong ni mommy sakin.

"I'm fine here. Bakit ka napatawag?" tanong ko rin sa kanya.

Knowing my mommy hindi siya tatawag ng walang dahilan. Kung kakamustahin niya ako ay alam kong saglitan lang na halos hindi umaabot sa minuto ang pag uusap namin. And beside alam niya ayaw ko na masyadong nadadaldalan dulot ng pag tawag kaya hindi siya masyadong tumatawag. Iyong bang tuwing may kailangan lang.

'Ano naman kaya ang importanteng sasabihin nito'

Sabi ko na lang sa isip ko. Narinig ko ang buntong hininga ni mommy at nagsalita sa kabilang linya.

"Hm anak... kasi yung step dad mo ay uuwi dyan sa Pilipinas sa makalawa."
Sabi niya. natigilan ako sa sinabi hindi muna ako sumagot sa kanya kaya naman ay siya ulit ang nagsalita.
"Anak dyan sya mag sstay sa bahay...ok lang naman sayo iyon hindi ba?" tanong ni mommy.

I sigh before speak. "As if naman ay may magagawa ako dba..? pero bakit siya lang ang uuwi bakit hindi ka kasama?" tanong ko dito. Kahit na ganito ako sa kanya kung minsan ay nanghahangad parin naman ang ng kalinga ng isang ina. Buhat kasi ng namatay si daddy ay si mommy na ang tumayong ama't ina ko. Panay ang alis niya dahil nga sa trabaho, kung minsan ay umaabot pa siya kung saan saang bansa tapos uuwi ng mga buwan.

"Well alam mo naman na marami akong inaasikaso dito sa State Danica. Just be patient ok..? I'll go home soon baby." sabi niya.

"Ok fine... inaantok na ako ibaba ko na to." sabi ko at walang sali salitang ibinaba ang linya.

Sa mahigit dalawang buwang pagsasama ni mommy at ng stepdad ko ay medyo naging close ko naman siya kahit na hindi ko pa siya nakikita ng personal. Panay kasi ang video call ni mommy sakin tuwing off nila sa work. That's why nakikita ko rin ang stepdad ko kahit na sa screen lang.

Umakyat agad ako sa taas at agad na tinungo ang aking kwarto. Saglit pakong nag isip kung paano ko paghahandaan ang pagdating ng stepdad ko sa makalawa hanggang sa makatulog ako.

Kinabukasan ay nagising ako sa sunod sunod na pagkatok ni Manang. Alas onse na ng umaga kaya siguro ay tinatadtad nako ng katok ni Manang. Agad naman akong bumangon matapos kong sabihin na gising nako dahilan ng paghinto niya sa pagkatok at pagsasalita. Dumeretsyo ako sa bathroom upang maligo at mag toothbrush ng matapos ay bumababa nako. Pag dulog ko sa dinning ay nakahanda na ang pagkain ko na inihanda ni Manang. Siya ang tumayong pangalawa kong mama sa tuwing may business trip si mommy. Kaya siguro ay nasanay nako na hindi masyado nakikita si mommy dahil andyan naman si Manang para alagaan ako.

"Ano't tinanghali ka ng gising Danica?" may pangangaral na tanong ni Manang. Agad naman akong tumingin sa kanya at saka sumagot sa kanya.

"Nagising po kasi ako sa malakas na kulog bandang alas kwatro ng madaling araw Manang.. saka po tumawag si Mommy kaya medyo napuyat po ako." magalang na sagot ko.

My Stepfather (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu