Kabanata 4

8 0 0
                                    


Nagising ako sa isang di pamilyar na kwarto. Parang nasa bakante at haunted na kwarto ako. Suki ata talaga ako ng mga haunted na lugar!

Nilibot ko ang aking paningin, hayup nasaan ako? Bakit napakadim ng lights dito at hindi ko man lang maaninag kung saan ang pinto ng kwartong ito.

Nang tatayo na ako ay muli akong natumba sa maruming sahig. Bwesit! Sinong nagtali sa kamay at paa ko? Bakit feeling ko nakidnap ako at kukunin nila ang mga organs ko. Heck!

Wala pa akong naririnig na kung ano, ibig sabihin lamang nito ay walang malalapit na bahay sa kinaroroonan ko. Goooood ano ba 'tong pinaranas niyo sa akin? Alam niyo naman na bobo ako at hindi makapag-isip ng maayos ih.

"HELLOOOOO? SINONG TAO DYAN?" Sigaw ko. Ngunit hindi nila ako naririnig.

Jeeez.

Anong gagawin ko? Hindi mafunction ng maayos ang nerves sa utak ko, kung mayroon mang nerves.

"What to do Marisse! Mag-isip ka bobo!" Napapikit lamang ako. Hindi ko alam kung anong uunahin kung isipin! Ito bang pagkalas ko sa tali sa paa o uunahin ko sa kamay? Paano naman wala akong makitang kahit na anong bagay dito!

"HELLOOOO SOMEBODY'S THEEEERE?"

"GISIIIING NA PO AKOO"

"MGA HAYUP KAYO GUTOM NA GUTOM NA AKO! DALAWANG ARAW NA AKONG HINDI NAKAKAIN! KUNG HINDI AKO NAMATAY SA PAGKALUNOD PAPATAYIN NIYO DIN PALA AKO SA GUTOM MGA HAYUP KAYOOOO!"

Napaubo ako sa pagsigaw ko. Sheyt! Paano na ito? Kung papatayin nila ako sa gutom dapat hinayaan na lamang nila akong mamatay sa tubig!

Because they need something from you.

Shit! Shit! Shit! Baka mga kalaban ng kakambal ko ang nakadakip sa akin what the hell! Nasaan siya? Bakit nila ako dinadamay ih wala naman akong alam! Hindi ba nila alam na B.O.B.O ako?

Ilang saglit pa ay naririnig ko na ang pagbukas ng pintuan.

Hays salamat naman at makakain na ako!

Dahan-dahan siyang lumapit ngunit hindi ko pa rin naaaninag ang kaniyang mukha.

"Bilisan mo dahil gutom na ako. Feed me!" Pagalit kong sabi sa papalapit.

Huminto siya ngunit hindi nagsalita. Heck! Tinatakot ako ng nilalang na ito. Pero kailangan kong maging matatag dahil wala dito si Maria!

"Eat then" itinapon niya sa aking harapan ang isang tray ng pagkain ngunit hindi na ito sa maayos na kalalagyan dahil natapon ito sa maruming sahig.

Nanatili pa rin siya sa kadiliman. Hindi ko na tinignan ang natapon na pagkain dahil nakipagtitigan ako sa nilalang na ito.

"I said feed me Moron!" Giit ko sa kaniya upang ipakita na wala akong kinakatakutan.

Pero ramdam ko ang kaniyang nakakatakot na aura parang kinakain niya ako ng buhay.

Hindi ko pinapahalata ang aking kaba at takot dahil 'pag nagkataon ay kakain niya talaga ako ng buhay!

"Still a brave woman huh" humakbang siya ngunit hindi pa rin nasisinagan ng kunting ilaw sa kwartong ito.

"But still I can see the fragile in your eyes"

W-what?

Kumurap ako dahil bigla akong nailang sa sinabi niya! Ibig sabihin nakikipagtitigan din siya sa akin! Ngunit gayunpaman ay hindi ko inalis ang titig ko sa kaniya. No way I can show my fear to this guy!

Choose The Right OneWhere stories live. Discover now