Kabanata 3

7 0 0
                                    

"Gising Marisse"

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko ng maramdaman kong may pumupukaw sa akin.

Nilibot ko ang paningin sa labas ng taxi. Nasaan kami? Bakit nasa liblib pa rin kami at naririnig ko ang agos ng tubig. Napalingon ako sa kaliwa at nakita ko ang kapatid kong patungo sa ilog.

Sheeyt ang sakit ng ulo ko!

Lumabas akong nahihilo dahil sa ride kanina. Mabuti na lamang at nakatulog pa ako. Weeyt, nakatulog ako dahil nabangga ang ulo ko sa isang bahagi ng taxi hindi dahil sa pagod. Hayup talaga ang kapatid ko na iyon!

Pagbaba ko agad kong tinignan kung apat pa ba ang tire nang taxi. And Thanks God, kompleto pa naman.

"What are you doing Marisse?"
Napalingon ako sa kapatid ko na wet ang hair.

"Just checking if complete pa ba ang tires nito. Anyway, where are we?" Nilibot ko ulit ang paningin ko. Tanaw ko ang isang mahabang tulay.

"Tacloban and that Bridge is San Juanico Bridge" itinuro niya ang kaninang tinitignan kong tulay.

Tacloban? Nagjojoke ba siya?

"Are you just lied to me again?"
Napatawa siya. Tumalikod siya at nagtungo ulit sa dagat? Akala ko ba ilog 'to. Grabi pati kabobohan ko dinala ko na dito.

"No, I'm serious Marisse nasa Tacloban talaga tayo" naghilamos siya sa dagat. Iwww I don't do that dahil malagkit sa skin ang tubig dagat.

"But How? Sumakay ba tayo ng private plane ni Helovan? Ba--"

"It's Geovan" saad niya.

"Oh Geovan nga, so paano at bakit ang bilis naman natin nakarating dito ih Manila tayo galing"

"You're 16 hours sleeping in the car and nagshortcut ako" nagmugmog siya gamit ang tubig sa dagat

"Malamang nagpassed out ako ih at okay lang sa iyo yun tsk!"

Nakatayo pa rin ako at nag-oobserve, walang kabahay bahay dito. Probinsya talaga ito, ang akala ko nakabawi ang Tacloban nang masalanta sila ng Super typhoon Haiyan and look what happened? Minsan na din kami nakapunta dito ng kapatid ko for some reunion namin na dito ginanap. And I remember pa na madaming magagandang bahay dito. What happened here? Is this because of Covid19 pa rin?

Halatang giniba ang mga bahay dahil may natitira pang mga foundation nito.

"Stop observing, maghilamos ka na because we're going to Geovan" saad niya at nagtungo sa taxi.

Sinundan ko siya at sumakay sa taxi. Believe din ako sa taxi na ito, ang tibay ah!

"So you're facing Geovani with that face?"
Sinulyapan niya ako bago niya tinignan ang sarili sa side mirror.

"Wala akong pakialam kung ano mukha ko basta safe lang tayo doon, yun lang ang iniisip ko"  nagseatbelt ako para sure, knowing my sister's skill in driving parang doubted ang safety ko sa kaniya.

"Okay" she shrugged and started the car.

Dumaan kami sa Juanico bridge. Malaki ang pinagbago talaga ng Pilipinas, parang kailan lang ng magkagulo ang lahat dahil sa nakakamatay na Virus. Hindi pa na nagkakaisa ang mga pinuno ng bansang ito at puro kapolitikahan lang ang iniisip. Hindi na nila naisip na nahahantong sa ganito at magsasakripisyo ang madaming tao. And I know until now, iyon pa din ang iniisip nila. Nakakaawa ang mga pinoy na nagsa-suffer sa sariling bansa.

"Teka, ano na ang nangyayari sa mga palaboy?" Tanong ko sa napakaseryosong ate ko.

"Shoot to kill" kalmadong tugon niya.

Choose The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon