Catorce

370 22 2
                                    

Mahigit trenta minutos na nilang binabaybay ang hagdan paakyat.

Bagama't wala pang humahabol sa kanila ay hindi sila nagpahinga maski isang saglit.

Buhay kasi nila ang nakataya kaya kahit pagod na pagod na sila ay nagpatuloy pa rin sila sa pag-akyat.

"Hah! Hah! Hah! Sakit na ng paa ko. Diyos ko!" Angal ni Shannen.

"Ahhhh... Pagod na ako. Huhuhuu..." Segunda naman ni Rona.

"God! Yung tuhod ko lumalagutok na..." Sambit naman ni Angel.

"Haaah! Haaah! Ayoko naaaa... Ayoko naaa..." Sabi naman ni Jhoy.

Kanya-kanya sila ng daing...

Kanya-kanya ring angal...

At kanya-kanyang pag-atungal...

Pero wala ni isa ang huminto.

Wala ring nagnais na magpahinga...

..........

Makalipas ang ilang minuto...

"Teka sandale--- (Pause) Naririnig nyo ba yung naririnig ko?" Tanong ni Jhoy sa tatlo.

Sya kasi ang nasa hulihan kaya sya ang mas nakakarinig ng ingay na nagmumula sa ibaba.

Saglit namang napahinto yung tatlo at binigyang-pansin ang ingay na nauulinigan daw ni Jhoy.

Iiiiiirrrkk...

Iiiiiirrrkk...

Iiiiiik... Iiiiiiik... Iiiiiiiiiik...

Ang mga narinig nila.

"Parang--- (Pause) Parang mga--- Bubuwit?!" Panghuhula ni Angel sa kanyang narinig.

Kumunot pa ang noo nya sapagkat hindi sya sigurado sa sagot nyang iyon.

Swooooosh... Woooosh...

Ang sumunod na sounds.

"Oo parang nga. Pero parang may mga ibon din." Sabi naman ni Jhoy.

"Ala naman akong naririnig." Kunut-noong sabi ni Shannen.

"Ako din wala eh." Sabi naman ni Rona.

Sila kasi yung mga nasa itaas kaya hindi nila masyadong naririnig yung mga tunog o ingay na nauulinigan nila Angel at Jhoy.

"Masama na naman ang pakiramdam ko. Bilisan nyo na. Daliiiii..." Sambit nung huli.

Kumakabog na naman kasi yung puso nya.

Nagtaas-baba na rin ang balikat nya dahil kinakapusan na sya ng hininga.

Hindi lang dahil masikip, kulob at walang hangin sa lugar na iyon---

Kundi masama talaga ang nakikita nya sa vision nya.

Samantala...

Dahil sa narinig ay lalo namang nagpursige yung tatlo---

Lalo nilang binilisan ang pag-akyat nila.

Hanggang sa...

"Araaaay... Anu yon?! Araaaaaay... Aray kooo... Araaaaaay..." Hiyawan nila nung isa-isa na silang nilusob at kinagat ng mga paniki.

"Waaaaaah... Mamaaaa..."

"Araaaay... Araaaay..."

"Shoo! Shooo!"

Patuloy na pag-aray at paghiyaw nila.

Sinubukan nilang itaboy ang mga paniki ngunit parang may isip naman ang mga iyon.

ANG LIHIM NA LAGUSANWhere stories live. Discover now