Quince

641 39 2
                                    

Maya-maya...

"Halina kayo at baka may mga sumunod pang iba. Wala na tayong maipanlalaban pa sa kanila." Aya ni Jhoy.

Nagulat naman yung tatlo at dagling nagsitayuan.

Ayun napa-aray na lang sila sa sakit ng katawan nila sa biglaang pagtayo nilang iyon.

Pero pagkatapos magpahid ng mga luha ay umakyat na rin sila.

Napakahaba pa ng hagdanan.

Siguro aabutin pa sila ng ilang minuto bago nila marating ang tuktok niyon.

"Pagod na ko. Aray kooo... Huhuhu..." Maya-maya'y reklamo na ni Shannen.

"Konting tiis na lang. Pasasaan ba't makakarating din tayo sa itaas." Pagpapalakas-loob naman ni Rona.

"Oo. Bawal munang magpahinga Neng. Saka na lang kapag sigurado na tayo sa kaligtasan naten." Sabi ni Angel.

At ayun, ipinagpatuloy nga nila ang kanilang pag-akyat sa mataas na hagdan na iyon.

Maya-maya'y natanaw na ni Rona ang pabilog na takip na syang nagsisilbing pintuan papunta nga sa lungga na iyon ng mga aswang.

May naaaninag na rin syang liwanag na tumatagos sa mga siwang niyon.

"Ang labasan!" Sigaw nya.

"Yeeees!" Sigaw din ni Shannen.

At nagmadali si Rona na makarating sa bakal na takip na iyon.

Itinulak nya iyon ng buong lakas.

"Aaaaaaaah..." Sambit nya

Ngunit hindi nya iyon mabuksan-buksan.

Sobrang bigat kasi non at may kalumaan na din kaya kinalawang na ang buong palibot niyon.

At dahil makipot ang espasyo, nagsiksikan silang dalawa ni Shannen upang mapagtulungan nilang itulak ang mabigat na takip na iyon.

"One... Two... Three... PUUUUUUSH!" Pagbilang at hudyat nya.

Ilang beses nila iyong inulit.

At ayun, hiningal sila at halos habulin na nila ang paghinga pagkatapos nila iyong gawin.

Gusto sana nung dalawa, sila Angel at Jhoy na tumulong, ngunit hindi naman na sila kakasya.

"Mamaya tayo naman bessy. Palitan natin sila." Desisyon nung una.

"Sige bessy." Pagpayag nung huli.

Pero hindi na sila nabigyan pa ng chance na pumalit dahil sa huling pagtulak nung dalawa ay biglang umangat ng bahagya yung takip.

"Konti na lang Neng. Itodo na naten." Pagod ngunit may ngiting sambit ni Rona.

"Sige 'te. One... Two... Three... PUSH!" Sabi naman ni Shannen.

At yun nga, itinodo na nila ang natitira nilang lakas.

Nung mabuksan nila iyon ay nakahinga sila ng maluwag.

Hindi lang dahil ligtas na sila, kundi nakalanghap na rin sila sa wakas ng totoong hangin.

Malapit na kasi silang ma-suffocate kanina pa.

Pero ngayon nakakahinga na sila ng maayos.

..........

Pagkalabas nila ng tunnel...

"Diyos ko maraming maraming salamat po... Huhuhuu..." Anila.

At nagyakapan silang apat pagkatapos.

ANG LIHIM NA LAGUSANWhere stories live. Discover now