Cinco

730 47 3
                                    

"Ano?! One week pa bago bumalik yung mamang na sinasabi nyo?" Tanong ni Angel.

"Oo. Nagpaalam sya na one month syang mawawala. May importante daw kasi syang aasikasuhin. Three weeks na kaming naghihintay--- So one week na lang eh babalik na sya." Sagot ni Rona.

"Three weeks ka na dito?!" Tanong naman nya sa kaibigang si Shannen.

"Oo." Malungkot na sagot nito.

"Eh ikaw 'te?" Tanong ulit nya sabay baling kay Rona.

"Matagal na 'ko dito. Kagaya mo, ako rin ang nakatagpo sa kanya." Sagot nito pagkatapos ay tumingin ito kay Shannen.

"Wait... Wait... (Pause) Ako--- Nagising na lang ako kanina na nasa isang madilim na tunnel ako. Eh kayong dalawa--- Paano kayo napunta dito?" Tanong nya.

Kanina pa nya iyon gustong itanong.

Kanina pa nya gustong malaman kung pare-pareho ba ang nangyari sa kanilang tatlo, sa kanilang mga dayo.

"Ako? Like you nagising na lang din ako dito sa lugar na 'to. Pero hindi sa isang tunnel, kundi sa mismong harapan ng tindahan ni ate." Pagkukwento ni Shannen.

"Ako naman, inaya ako ng katrabaho ko. Sabi nya birthday nya raw. Sumama naman ako kasi mabait naman sya. Di ko alam na ganito pala yung lugar nila. Ay nako! Mahabang salaysayin. Parang nobela. Sa susunod ko na lang siguro ikukwento sa'yo. Kailangan ko kasing bumalik dun sa tindahan dahil baka maghinala na sila ng tuluyan sa akin." Sabi ni Rona sa kanya.

Di naman na sya nagpumilit pa.

Maya-maya ay nagpaalam na rin ito na babalik na nga sa tindahan.

Naiwan silang magkaibigan.

Maya-maya...

"Napakadelikado ng lugar na 'to. Paano kayong nakakatagal dito?" Basag nya sa katahimikan.

"Dahil sa tulong ni Mamang Bebs. Safe tayo dito sa bahay nya. Yung botelyang may lamang langis, yun ang magliligtas sa atin sa kuko at pangil ng mga aswang." Sagot nito.

Napahawak sya sa kanyang braso nung marinig ang salitang aswang.

Ni sa hinagap ay hindi nya inakalang mapapadpad sya sa lugar na iyon.

Makakauwi pa kaya ako? O dito na matsutsugi ang beauty ko?

Tanong nya sa isip nya.

Pagkatapos non ay bigla na lang tumulo ang luha nya.

"Wag ka mag-alala hindi ka nag-iisa. At hindi kami titigil nila ate hangga't di namin nakikita ang daan palabas sa impiyernong lugar na 'to." Sabi ni Shannen.

Daan palabas?

Bulong nya.

Biglang may pumasok sa isip nya.

"Teka... (Pause) Bago ako napunta dito, ilang beses akong nanaginip. May isang pabilog na bakal dun sa lugar namin. Parang iyon ata ang daan palabas." Sabi nya.

"Huh? Sigurado ka? Kasi halos nalibot na namin ni ate 'tong lugar na 'to. Wala kaming nakita na sinasabi mong pabilog na bakal na pintuan." Sabi nito sa kanya.

Para malinawan, ikinuwento nya dito ang lahat lahat---

Mula nung mapagawi sya sa gubat...

Nung matalisod sya sa nakausling bato...

Nung makita nya ang pabilog na takip na iyon...

At nung magsimula syang maginip ng nakakatakot---

ANG LIHIM NA LAGUSANWhere stories live. Discover now