Cuatro

722 44 2
                                    

"Ako si Rona. Ikaw, anong pangalan mo?" Tanong ng babae kay Angel nung makapasok sya sa loob ng tindahan nito.

"Huh! Ahhh---- Ako si--- Ako si Angel." Kinakabahang sagot nya.

"Huwag kang matakot sa'kin, hindi ako kumakain ng tao." Sabi nito.

Hindi nya alam kung biro ba iyon o ano.

Pero sa kabang nararamdaman nya ngayon at sa kakaibang inaasal ng mga tao sa paligid nya---

Parang gusto na nyang isipin na kumakain nga ang mga ito ng kagaya nya, ng tao nga.

"Magtago ka dyan bilis! Anumang oras ay darating na sila." Sabi nito sa kanya matapos sya nitong payukuin at pagtaguin sa ilalim ng lamesa.

"S-sinong sila?! At bakit kailangan kong magtago?!" Takhang tanong nya dito.

At ayun, bigla syang natakot para sa kanyang kaligtasan.

"Ssssshhh... Wag ka ng magsalita. Maririnig ka nila." Sawata nito sa kanya.

Agad naman nyang itinikom ang kanyang bibig.

"Eto kunin mo. Ipahid mo sa katawan mo bilis!" Utos nito sa kanya habang inaabot ang isang maliit na botelya na may lamang parang lotion at langis na pinagsama.

Nung buksan nya iyon, kakaiba ang naamoy nya---

Mabaho.

At talagang nanuot iyon sa kanyang ilong.

Sinakitan pa nga sya ng ulo dahil sa antot niyon.

At ayun, bagama't naguguluhan at nababahuan ay sumunod pa rin sya.

Ipinahid nya ang maaskad na likidong iyon sa kanyang paa't kamay.

Maya-maya...

"Nasaan ang dayo?" Narinig nyang tanong ng isang lalake sa labas ng tindahan.

"D-dayo?! (Pause) W-walang dayo dito." Sagot naman ni Rona.

Pinilit nyang kalmahin ang sarili upang hindi sya mahalata ng mga ito na nagsisinungaling lamang sya.

"Dito raw nagpunta eh." Sabi nung lalaki.

"Ahhh--- Baka yung babae kanina." Sabi nya.

Pagkatapos non ay tumayo na sya at lumapit sa lalaki.

"Oo yung babae nga." Sabat nung isa pang lalake.

"Wala na sya. Hinabol kasi sya ng mga bata. Kaya ayun, tumakbo sya don." Sabi nya sabay turo palayo.

"Eh ba't hinayaan mong makatakas?" Sabi nito habang inaamoy-amoy ang paligid ng tindahan.

"Hindi ko naman alam. Nung sumilip ako--- Nakita ko na silang naghahabulan. At malayo na sila dito." Alibi nya.

Samantala...

Pigil naman ang hininga ni Angel sa ibaba, sa ilalim ng lamesa.

Nakatakip ang ang ilong nya ngayon dahil kanina pa sya nahahatsing sa baho.

Maya-maya...

Biglang tinitigan ng lalaki si Rona.

Parang tinatantya nito kung nagsasabi ba sya ng totoo o hinde.

Bagama't kinakabahan ay nanindigan pa rin sya.

"S-sige na. Habulin nyo na at baka makalabas pa yon. Sayang." Pagtataboy nya sa mga ito.

"Oo nga. Tara bilis!" Sigaw nung isa at nanguna na itong maglakad kung saan yung itinuro nyang direksyon.

At nakahinga sya ng maluwag nung magsisunuran na rin yung iba dito.

ANG LIHIM NA LAGUSANOnde as histórias ganham vida. Descobre agora