Dos

1.1K 43 2
                                    

"Tuloooong... Tulungan mo ko huhuhuu... Kung sino ka man na nandyan... Palabasin mo ko dito.. Huhuhuuu... Pleeeease palabasin mo na ako dito... Huhuhuuu.." Hagulgol ni Angel.

Namamaos na sya sa kakasigaw pero wala syang makuhang sagot mula sa kung sinuman ang nasa itaas.

Alam nyang merong tao doon dahil dinig na dinig nya ang mga yabag at mga kaluskos.

Ang hindi nya lang lubos na maunawaan ay kung bakit ang tagal sya nitong pagbuksan.

Nanghihina na ang mga kamay nya sa kakatulak pero hindi pa rin nya magawang mabuksan ang pabilog na bakal na iyon.

At ang sapantaha nya, kung sinuman ang nasa labas ay ang sya ring dahilan kung bakit ayaw mabuksan nung takip.

Parang sinasadya iyong i-lock at ikulong sya doon.

Pero bagama't ayaw sya nitong pagbuksan ay sumige pa rin sya sa pagsigaw at paghingi ng tulong.

"Pakiusap ayoko na dito! Huhuhuuu... Natatakot na koooo... Huhuhuuu... Ayoko naaa... Ayoko na ditoooo... Palabasin mo na ko! Huhuhuuu..." Daing nya.

Pero wala pa rin syang makuhang tugon.

Hanggang sa---

"Aaaaaaaahhh... Mamaaaaaaaa..." Mahabang pagtili nya nung bigla na lang may humawak sa isang paa nya.

"Tuloooong... Tulungan nyo koooo... Waaaaag... Waaaaag... Aaaaahhh..." Patuloy na paghiyaw nya nung hilain na sya ng kamay pababa ng hagdanang iyon.

Nalamog ang katawan nya at nagkapilay-pilay sya nung kaladkarin sya pababa ng misteryosong kamay.

Pinilit nyang kumapit sa mga baitang ng hagdanan upang maawat ang kanyang pagdausdos---

Ngunit sadyang mas malakas ang taong nasa kanyang paanan.

"Aaaaahhh... Mamaaaaa... Waaaag... Huhuhuu..." Paghingi nya ng saklolo.

Maya-maya'y may dalawang kamay na humawak sa magkabila nyang braso.

Bigla syang nabuhayan ng loob.

Kung sinuman iyon, laking pasasalamat nya doon sa pagsagip nito sa kanya ngayon.

At upang hindi sya tuluyang mahila pababa---

Hinigpitan nyang mabuti ang kapit sa hindi pa nakikilalang tagapagligtas.

..........

Samantala sa locker room...

Napangiti si Jhoy nung makita nyang nakatulog na ang kaibigang si Angel sa kakahintay sa kanya.

Nakaupo lang ito at nakasandal sa isang cabinet.

Ngunit ang ngiti sa kanyang labi ay dagling napalis nung mapansin nyang pinagpapawisan ang kaibigan samantalang aircondition naman ang kwartong iyon.

At nangunot ang noo nya nung maulinigan ang mahina nitong pag-ungol.

Kinutuban sya ng masama.

At ayun, agad nyang nilapitan ang kaibigang hirap na ngayon sa paghinga.

"Bessy... Huy bessy gising..." Sabi nya habang inuuga nya ito sa balikat.

Nagising naman si Angel.

At ayun, napabalikwas sya sa pagyugyog sa kanya ng kaibigan.

Habol ang hiningang napatitig sya kay Jhoy na nakaharap sa kanya ngayon habang hawak ang kanyang magkabilang braso.

"Binabangungot ka girl." May pag-aalalang sabi nito sa kanya.

ANG LIHIM NA LAGUSANWhere stories live. Discover now