Once

621 36 4
                                    

Sige ang lipad ni Beblita.

At habang daan, marami syang nadaan at nakasalubong na kapwa nya mga aswang.

May tiktik---

Na ang target ay mga buntis.

Gustung-gusto nila ang amoy at lasa ng sanggol sa loob ng sinapupunanan ng isang nagdadalang-tao.

May sigbin---

Na isang uri ng halimaw na pumapatay sa pamamagitan ng pagsipsip ng dugo ng isang tao, sa pamamagitan ng anino niyon.

May abilidad din ang mga sigbin na maging invisible.

At dahil mga kapwa nya ito aswang---

Nakikita nya ang mga ito.

May nakasalubong din syang amomongo---

Na mas malaki pa sa kesa sa mga ordinaryong tao...

Mabalahibo ito na animo isang gorilla.

Meron ding batibat---

Yung demon creature na pumapatay sa pamamagitan ng isang bangungot.

May vakunawa...

Garuda...

Wakwak...

At marami pang iba...

At dahil meron syang pakpak at nakakalupad sya sa ere---

Naabutan din nya ang kanyang mga ampon.

Tuwang-tuwa sya nung makita nya ito sa dulo ng isang pasilyo.

Ayun, lalo nyang binilisan ang kanyang paglipad.

"Waaaaaahhh.... Mamaaaaa..." Sigaw naman ni Shannen nung makita nya ang manananggal na lumilipad palapit sa kanila.

"Aaaaaaaahhh... Takbooooo..." Sigaw rin nila Rona at Angel.

Hinigpitan nila ang kapit sa papilay-pilay pa ring si Shannen at mabilis silang tumakbo palayo sa manananggal na iyon.

Natawa naman si Beblita sa naging reaksyon ng mga bata.

Ako 'to. Ang mamang nyo. Wag kayong matakot sa akin. Hahaha...

Bulong nya kay Rona.

Sa tatlo kase, tanging ito lamang ang nakokontak ng isipan nya.

Ang dahilan, distracted kasi yung dalawa kaya hindi nya makausap ang mga ito sa pamamagitan ng kanyang telekinetic power.

Samantala...

Saglit namang bumagal ang pagtakbo ni Rona nung marinig ang boses ni Beblita.

"Mamang?! Ikaw nga ba yan?!" Naninigurong tanong nya.

Oo. Ako nga ito. Kaya wag na kayong matakot okay?

Ang narinig nyang sagot nito.

"Si mamang yon?!" Tanong naman ni Angel.

"Oo daw eh." Alanganing sagot ni Rona.

At nung tuluyan ngang makalapit sa kanila ang manananggal---

"Natakot ko ba kayo? Pasensya na. Hihihi..." Natatawang sambit ni Beblita.

Samantala...

Bagama't nalaman na ng tatlo na hindi pala kalaban ang aswang na nasa kanilang harapan ay natatakot pa rin sila dito.

ANG LIHIM NA LAGUSANWhere stories live. Discover now