"She's a good friend. I will help you to find her." Umaliwalas naman ang mukha ko. "Huwag ka na ngang sumimangot d’yan. Dapat nakangiti ka lang kasi ikaw ang campus president, be a good role model." Tinapik niya ako kaya naman hinampas ko ang kanyang kamay. "Ouch!" Ngumuso siya sa akin.


"Ang kulit mo talaga." Tumawa siya.


"Sure ka ba? Hindi ka ba confused?" Umiling ako. "Mabuti naman."



"Ewan ko sa iyo."


"Nga pala may nahanap ka na bang p’wedeng tumulong sa iyo sa pagde-design? Sinubukan mo na bang puntahan ’yong President ng Art club?" Umiling naman ako.


"Hindi ko kilala ang President nila."


"Ako rin." Napairap naman ako. "Kung andito sana si Jazzfer mas mapapadali ang bagay na ’to."


"Kumusta na nga pala siya? Hindi pa ba siya makakabalik?" Humalukipkip siya.


"Ang sabi ng pinsan niya... she's okay na pero mukhang hindi pa rin siya nakakalakad ng maayos e." Napailing naman ako.


"Sana makabalik na siya." Binangga niya ang aking balikat. "Oh?"


"Nami-miss mo na ba siya?"

"Wala kasing maingay." Itinulak ko siya’t naglakad na ako.


Sumunod siya sa akin. Malapit na ang school festival ng Pierce University. Marami rami na rin ang nagbago pero hanggang ngayon hindi ko pa rin talaga alam ang dahilan niya kung bakit bigla na lamang siyang umalis—

"Sorry!" Tiningnan ko siya. Kapansin pansin ang reddish niyang buhok.




Catalina?




"Ayos ka lang?" Tinulungan siya ni Shea na pulutin ang mga art materials na dala dala niya. "Here." Inabot niya ’yon.


"Pasensya na. Hindi ko kasi kayo napansin." Yumuko siya.


"Ayos lang—Ah, taga-art club ka?"


"Oo."



Nag-vibrate naman ang cellphone ko. Nang kunin ko ’yon ay nakita ko ang pangalan ni Daddy. Bakit kaya napatawag ang minamahal kong Daddy?


"Excuse me." Saad ko’t iniwan na sila doon. Sinagot ko ang tawag at ngumiti. "Daddy."



"Kumusta ang maganda kong anak?" Natawa ako.


"Ayos lang po ako. Ikaw po ba? Kumusta ka po d’yan sa Mexico?"



"Nakakabagot dahil hindi kita nakikita." Natawa akong muli. "Nabanggit din ng Mommy mo na—"



"Si Mom po?"


"Oo. Babalik pala ang kapatid mo." Napatigil ako. "Dito na ulit siya mag-aaral." Si Peach?



"That's great po. Ikaw po? Kailan ka po ba uuwi?"



"Susubukan kong makaabot sa festival."



"Sige po. Hihintayin po kita."



"Gusto mo ba ng pasalubong?"  Muli akong napangiti.



"Wala po. Basta po umuwi lang kayo."



"Ang anak ko talaga. Oh, siya sige na. Narito ang ka-business meeting ko. Mag iingat ka ha."




Matapos ang usapan namin ay pinatay na niya ang tawag. Sasabihin ko ba kay Shea na babalik na si Peach? Ah, huwag na lang muna. Tumingin ako sa labas ng bintana nitong hallway. May mga nililipad na dahon sa labas. T’yak ako na mahihirapan na naman ang janitor namin dahil sa dami ng dahon na wawalisin niya.




"May nahanap ka na bang model para sa art class na’tin, Pres?" Napatingin naman ako sa kanila.



"Wala pa nga e."



"Paano kung ’yong captain na lang ng archery?"


"Sino? Si Ms. San Diego?" Si Shea?


"Oo. Mukhang mabait naman siya kumpara sa Campus President na’tin." Napataas ang kilay ko.


"Huwag ka ngang maingay. Baka mamaya may makarinig sa iyo at makarating pa sa kanya ang sinasabi mo."


Dumaan sila sa gilid ko. Sinundan ko lang sila ng tingin. That reddish haired girl. Sino ba siya? Sa kulay ng buhok niya may naaalala akong isang tao.



"Si Flair ba ’yon? Hoy! Flair!" May tumakbo naman at akmang sasawayin ko sila ng humarap ’yong babae. I paused.


"Franz."



"Kanina ka pa namin hinahanap ni Hailey."






Bakit kamukha mo siya?



_________________________________

:)

She Owns My Lips || (Completed) ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon